Spoken Words Poetry (Tagalog) #1 : Unang Silay Sayo

in #poetry6 years ago


Unang Tula: Unang Silay Sayo


images.jpeg

Ang tulang ito ay para sayo
Isinulat ko ito base sa nararamdaman ko
Kaya sana ito'y mabasa mo
Nang malaman mo ang nilalaman ng puso ko

Itutula ko ang unang beses kitang nasilayan
Itutula ko kung paano tayo nagkakilala
Itutula ko kung paano naging masaya ang buhay
ko nang dahil sayo
At itutula ko kung paano nagwakas ang lahat

Magsisimula ako sa unang beses
kitang nasilayan
Kung saan lahat ng simula ay laging
may wakas
Wakas na minsan ay masakit at walang saya
O wakas na may saya ngunit may kunting lunkot

Kaya ito'y akin nang sisimulan
Nakaupo ako noon sa isang silid aralan
Nagmamasid sa mga taong dumadaan
Nang biglang ika'y aking nasilayan

Isang magandang dilag na aking nakita
Palakad lakad na may kausap na iba
Ako ay nakaupo sa isang gilid
Habang ika'y aking tinititigan hanggang sa ika'y pumasok
na sa isang silid

Ang iyong maamong mukha ay di ko na
malilimutan
Palagi kanang nakatatak sa aking isipan
Di ko alam kung ano ang aking nararamdaman
Kung ito ba ay pag-ibig o isa lamang
kahibangan

Para kang isang kanta
Na ang liriko ay nakatatak na sa aking isipan
At hindi na malilimutan
Na kapag pinatugtog na ay kay sarap
pakinggan

Ang ngiti mo ay hindi ko na rin malilimutan
Ngiti mo na parang ilaw na sa aking buhay ay nagbibigay
ng kaliwanagan
Ngiti mo na parang energy drink na
nagbibigay ng sigla
Ngiti mo na parang droga na nakakaadik
at hinahanap hanap na

Pero akin nalang binaliwala
Ang di maipaliwanag na aking nadadama
Dahil sa noon ay di pa kita kilala
At dahil rin sa unang beses pa kitang nakita

Image source

Nawa'y nadama niyo rin ang aking nais sabihin sa tulang ito at gusto ko lang sabihin na itong isinulat ko ay totoo at base ito sa buhay ko. Maraming salamat rin sa paglaan ng oras sa pag basa ng aking at sana suportahan niyo po ko kasi may mga kasunod pa ito.

Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jumargachomiano being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Wow such feelings put into words, this girl is lucky for a man like you admires her.

Grabe ang hugot kabayang @jumargachomiano hehehe mula sa puso.

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68608.23
ETH 2448.10
USDT 1.00
SBD 2.41