Spoken Word Poetry (Tagalog) #4 : Ito na ang Huli
"Ito na ang Huli"
Ito na
Ito na ang huling tula na aking isusulat
Tula na tungkol lang sayo ang lahat
At tungkol narin sa aking pagtatapat
Aaminin ko
Malaki ang pagkagusto ko sayo
Pero wala din namang magbabago
Kahit na ipagpapatuloy ko ito
Mga matalinghagang salita
Ang nakatala sa aking bawat tula
Puro lang masasaya
Ang nakasulat sa bawat linya
Kasi akala ko ikaw na
Akala ko sa kabila ng kasiyahan na aking nadadama
Ay akala ko'y pag-ibig na
Pero kaibigan lang pala
Kahit di mo sabihin
Ng deretso sa akin
Pinaparamdam mo naman
Na ang tingin mo sa akin ay kaibigan
Di ba pwedeng lumampas lang tayo ng kunti ?
Gusto ko lang maramdaman ang pag-ibig mo kasi
Kunti lang naman ang aking hinihingi
Gustong gusto kong iparamdam sayo kung paano ako magmahal kahit sandali
Pero di talaga
Kahit anong paramdam na aking ginagawa
Pinapadama at sinasabi mo naman magkaibigan tayo
Kaya wala ring mangyayari kung sasabibihin ko na ikaw ay iniibig ko
Mas lalo pa akong nasaktan
Nang sinabi mo sakin ang lalakeng iyong nagustuhan
Ako naman tong tanga na umaayon lang sayo
Kahit na nadudurog na ang puso ko
Pero ayos lang naman to
Na kahit magkaibigan lang tayo
Wag kalang mawala sa buhay ko
At masaya na ako
Kaya wag kang mag-alala
Kasi ako'y titigil na
Huling tula nga to diba
Kasi ayoko ng sumulat ng tula ng tungkol sa ating dalawa
Hindi ako magpapaalam
Aalisin ko lang ang pag-ibig na aking nararamdaman
Ito narin ang pinakahuling tula na tungkol sa pag-ibig ko sayo
Kasi umaayon nalang ako na magkaibigan nalang tayo
Nawa'y magustohan niyo ang orihinal kong gawa na tula at sana'y masayahan kayo dito kasi medyo may pagkahawig ang istorya ng tula sa buhay ko. Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng tula.
Mabuhay ang tulang tagalog at mabuhay tayong mga steemians.
Thanks and Godbless
@jumargachomiano
Grabe yung tula. May mga pagkakataon talaga na magiging kaibigan lang ( sad react)
Sana po ay may DSOUND version o kaya naman ay DLIVE na version nito sayang naman po ang tag na Spoken Word Poetry kung walang tunog. Looking forward po na marinig kung paano ito ma deliver.
Hayaan mo kabayan, sa susunod gagawin ko ang aking makakaya na magawan ko ng audio ang bawat tula ko.