Alin mas masakit?

in #poetry7 years ago (edited)

Kailan ka ba babalik?
Nang pangamba ko'y manahimik,
Umalis ka nang walang paalam,
Di ko rin alam kung ano ang dahilan,

Sana mag ingat ka kung nasan ka man,
Sana magparamdam ka kahit tawag lang,
Pagkat ako'y di mapakali,
Hinihintay ka araw at gabi,

Lumipas na ang mga taon,
Ngunit palaisipan pa rin ang araw na iyon,
Bigla mo nalang akong iniwan,
Hiling ko sana'y nasa mabuti kang kalagayan,

At ako'y napalundag sa tuwa,
Pagkat balita ko'y umuwi ka na,
Ngunit laking gulat ko nung ika'y nakita,
Nakayapos ka na sa bisig nang iba.

images (3).jpeg

Alin ba mas masakit ? Ang iniwan o ang naghintay sa wala ?

Sort:  

pwede both @jhanmervz ? Hehehe

Hahahaha pwd @yssa xD thanks for droppin' by hehehe

hahaha welcome :)

UPVOTED KAPATID

Salamat kapatid 😊😊

kay ganda ng tula mo ..pag patuloy upvoted

Salamat @mrblu hehehe

You got a 0.29% upvote from @upme requested by: @jhanmervz.
Send at least 1.5 SBD to @upme with a post link in the memo field to receive upvote next round.
To support our activity, please vote for my master @suggeelson, as a STEEM Witness

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63549.46
ETH 2562.53
USDT 1.00
SBD 2.66