Ang puso mong salawahan
Minsan naiisip ko,
Kung bakit ako ganito,
Kung sana di mo ginago,
Ayos pa sana tayo,
Masaya naman ako kasama,
Pagkatabi mo ako palagi kang tumatawa,
Kaya mo pala tinatawanan,
Dalawa pala kami sa puso mong salawahan,
Ang matamis na suyuan,
Nagmistulang abo nalang,
Sumabay sa ihip nang hangin,
At tuluyan nang nawala sa damdamin,
Sana di ka na lang nakilala,
Di sana puso ko'y ayos pa,
Kahit binigay ko na ang lahat,
Ngunit sayo'y di pa rin sapat,
Pagkat di ka marunong umibig nang tapat.
Mahusay 👍..
ky gandang tula,,sana ay maka bisita ka sa aking bagong pagtula mula sa obra ko:-)upvoted
Salamat kaibigan na upvote ko na po :)
Upvoted,bro paki lagay ang tag ng steemitdavao ^_^ para lumakas ang ating tag..maraming salamat po..
Roger salamat bro :)