Kahit konti

in #poetry6 years ago

Love-Heals-the-Broken-Hearted.jpg

Nanay, tatay gusto ko tinapay
Ate, Kuya gusto ko kape
Lahat ng gusto ko ay hindi ako gusto
Bakit ba ganto ang takbo ng buhay ko?

Palagi nalang ba? Palagi nalang ba akong sawi, wasak at luhaan?
Palagi nalang bang ako ang laging naiiwan?
Bakit? Bakit kung sino pa ang nagmamahal ng totoo ay siya pa ang naloloko?

Ako. Ako nalang ba lagi ang hindi pinapansin?
Ako nalang ba lagi ang nagmamahal ng palihim?
Ako nalang ba lagi ang siyang nahihirapan?
Ako nalang ba lagi ang nasasaktan kahit wala namang karapatan?

Araw-araw sumusulyap sayo ng palihim
Maya't maya'y nagnanakaw sayo ng tingin
Tinatanaw iyong mga galaw, pinagmamasdan kahit sa malayo
Ngunit di mo man lang ako magawang tapunan ng tingin mahal ko

Bakit?
Bakit ba hindi mo ako gusto?
Bakit? Bakit hindi mo ko kayang gustuhin kahit katiting?
Bakit ba kahit kailan ay di ko makuha ang iyong atensyon?
Ganyan na ba talaga ako hindi kapansin-pansin?
O sadyang sa ibang babae na nakatuon ang iyong paningin?

Mahal, hindi mo ba alam na sa tuwing nakikita kitang masaya ako'y nasasaktan?
Nasasaktan hindi dahil sa iyong kasiyahan
Kundi nasasaktan dahil hindi ako ang dahilan ng mga ngiting yan
Ngunit alam mo kung ano pang mas masakit?
Yung nasasaktan ako dahil nasasaktan ka rin sa taong gusto mo ng higit

Umaasa, oo mahal ako'y umaasa
Umaasa na balang araw ay maging tayo na
Umaasa sa isang taong may mahal ng iba
Umaasa na kahit konti ay mabigyan mo ng tsansa
Tsansang iyong mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo
Tsansang matupad ang inaasam na pangarap ko
Pangarap kong kantahan mo sa tuwing may away tayo
Pangarap kong maalayan ng rosas galing sayo
Ang tanging pangarap kong magkatotoo ang salitang 'tayo'
Tayo? Ay, wala nga palang tayo
Hanggang panaginip ko na lamang na maging tayo
Na ang tayong yan ay imposibleng mangyari
Na ang tayong yan ay kailanma'y hindi maaari
Maaari? Maaari nga bang kahit konti ako'y iyong mapansin?
Maaari bang kahit saglit ako'y iyong mahalin?
Mahalin na tila bang ako lamang ang babae sa buhay mo
Mahalin ng tapat, totoo at buong puso
Mahalin na parang hindi mo kakayanin pag ako'y mawala sayo
At mahalin gaya ng pagmamahal ko sa iyo
Pagmamahal na higit pa sa inaakala mo
Pagmamahal na handang ibigay sayo ang buo kong puso.
Mahal kahit konti
Kahit konting atensyon at pagmamahal mula sa iyo
Kahit konting pansin lamang mahal
Ay labis ng ikasasaya ng aking pusong wasak
Wasak dahil sa sakit na iyong idinulot
Sakit na aking naranasan nung hindi mo ako pinulot
Pinulot mula sa pagkakahulog ko sayo
Pagkakahulog na ang dahilan ay mismong sarili ko
Sarili kong umaasa't nagsusumamo
Umaasang kahit konti
Mahal, kahit konting pagtingin mula sayo
Ang matatamo nitong aking munting puso.

U5dt3NgMkVpahBQ84BJ1GYP14pyqYCX.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60115.50
ETH 3192.77
USDT 1.00
SBD 2.45