"Pisara" : An Original Filipino Poetry
Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.
Photocredit : Pixabay
Lugar kung saan nakatutok ang aming ginang
Sa paglatag ng kanyang mga leksyon
Pagbibigay araw-araw ng impormasyon
Buong araw nakatuon ako sa iyo
Naharap sa mga pag-aaralan ko
Naghahanda para sa pasulit bukas
Maudyukan narin ang paghihirap sa wakas
Berdeng kulay na kung tawagin ay itim
"Pisara" na may kulay na pagkadilim
Puno ng aral at kapana-panabik na paksa
Sa lipunan, matematika o maging sa siyensiya
Ang daan sa pagkamit ng mga pangarap
Ang unang naging susi sa luwag na hinaharap
Maging kung ano man ang ating hinahangad
Sa umaga ang pag-asenso ay bubungad