"Pilipinas" : A Filipino Poetry
Ang tulang ito ay hango sa kathang-isip lamang at orihinal na aking katha. Sana ay patuloy ang inyong paglahok sa #wordchallenge na naglalayong ipamalas ang mga orihinal na tula sa Steemit mapa English man o Tagalog :)
"Pilipinas"
Ng mga banyagang sakim at puro mga hangal
Walang ginawa kundi ang magkamkam ng yaman
Ang yaman ng ating lupang sinilangan
Ang isa'y puhunan ang mga taimtim na dasal
Kristiyanismo ay ipinakilala ng may mabuting asal
Iniudyok na manampalataya Diyos na Maykapal
Ngunit sa huli, sa yaman pala ang kanilang hangad, hingal
Ang pumalit naman ay sekreto ang kanilang pakay
Ang industriya naman ang kanilang sinalakay
Nais makontrol ang kabuuang industriyang sektor
Gustong sakupin ang industriya para makaasta na diktador
Ang isa naman ay todo ang pang-aalipusta
Pang-aalipin at pang-aabuso sa taong madla
Mga kababaihan ay pinagsamantalahan ng sobra
Binaboy at winasak ang dangal ay kanilang nakuha
Oh "Pilipinas", bansang bugbog sa dayuhan
Angking yaman ay kinamkam at ninakawan
Mga biyayang dapat tinatamasa ng mga Pilipino
Ay ipinagkait ng mapang-aping hindi taga rito.
Maramig Salamat sa Pagbasa :)
Nawa'y inyo itong nagustuhan. Kung may komento kayo o mga puna, huwag mag-atubiling i ilagay ito sa koment box. Makakatulong ito sa aking pag-unlad. Aasahan ko yan :)
Photocredit : http://i1.ytimg.com