"Langit" : An Original Filipino Poetry
Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.
"Langit"
Photocredit : Pixabay
Mahigpit ang paniniwala sa ating ama
Na siya ang daan patungong "Langit"
Magtiwala at kumilos ng walang bakit-bakit
Magtiis at maniwala na ang mundo ay panandalian
Panandaliang tahanan tungo sa kaluwalhatian
Ang tanging daan ay maniwala lang sa kanya
Pagkilos at paggawa ng mabuti sa kapwa
Mahalin mo ang Diyos ng buong-buo
At humingi ng kapatawaran sa kasalanan mo
At kapag ito'y iyong nagawa
Paraiso ang sa iyo'y bubulagta
Piging sa Langit" ang nakahanda
Puno ng himig at tunog ng kampana
Na nagdiriwang sa iyong pagdating
At ang panginoon sa wakas ay iyo nang makapiling