"Unti - Unting Nahuhulog" : An Original Filipino Poetry
"Unti - Unting Nahuhulog"
Unti-unting nahuhulog ako.
Kabutihan mo'y nakakaakit
Higit pa sa mukha mong marikit.
Ika'y sobrang napakalambing
Katulad mo'y maihahambing.
Sa isang anghel na hulog ng langit
Mata mo pa'y napakasingkit.
Di ko mabaling ang aking atensyon
Sa ganda mong puno ng atraksyon
Araw-araw ako'y nahuhumaling
Kita kita palagi sa aking piling
Giliw sana naman iyong mapansin
Tulad kong may lihim na pagtingin.
Pangako tulad mo'y hindi bibiguin
Pilit aabutin ang mga tala at bituin.
Kung tayo man ang itinadhana
Panalangin ko'y sana'y tayo na nga.
Ika'y pangarap na hirap abutin
Prinsesa ka, ako'y pipityugin.
Kung wala mang pag-asa'y tigilan mo na
Ang lambing mong nakakahumaling na.
Kung wala man sana'y tigilan na ito
Kasi ako'y unti-unting nahuhulog sayo..
Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)
Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.