ARAW NG MGA PUSO...
Dumating na naman ang buwan ng mga puso,
Maraming nagmamahalan ang magtatagpo-tagpo,
Masaya palagi at nagkakasundo,
Dahil sa hatid ng araw ng mga puso.
Sana nga ay palaging buwan ng Pebrero,
Upang mga tao ay laging inspirado,
Dala-dala sa puso ang kahulogan nito,
Tunay ang nadarama at walang pagbabago.
Pagmamahalan ay isabog natin,
Upang wala nang sino pang magdimdim,
Ipadama natin ang pag-ibig na wagas,
At ng hindi ito masayang, at hindi rin magwakas.
Tunay na pagmamahal kay sarap damhin,
Lalo na sa taong mahal na mahal natin,
Walang hindi kakayanin basta siya ay laging kapiling.
Ibibigay lahat ang kanyang hinihiling.
Pag-ibig sana ay pahalagahan natin,
Ito ang tanging sagot sa bawat dalangin,
Nang mga pusong tapat ang damdamin,
At handang maghintay abutin man ng takipsilim.
Sana magustuhan nyo!
Salamat mga kaibigan!
LOVE...LOVE...LOVE...
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!
Hi! Mahal ko ang iyong tula. walang alinlangang pag-ibig ay hindi kapani-paniwala, kahit na ang pakiramdam ay maaaring mag-iba depende sa estado ng pag-iisip ng mga tao. Ang taimtim na pagmamahal ay laging mabuti, kung hindi taos-puso, hindi ito magiging pag-ibig. (Umaasa ako na naiintindihan mo ako, gumagamit ako ng google translator)
Salamat sa comment! Korek ka dyan! @fra182
Love it 😍
Salamat. @miramarcastano