"Nawaglit na Pag-ibig" Tagalog Love Poetry

in #poetry7 years ago

"Nawaglit na Pagibig"

Minsan ako’y napaisip
Ikaw ba’y kathang isip o panaginip
Handog sa akin ng ating bathala
Upang akoy mahalin at alagaan

Mga mata mo’y sing kinang ng tala
Nasa akin ay nagbibigay talinghaga
Ngiti mong kay sarap pagmasdan
Hatid sa akin ay walang hanggang kasiyahan

Ngunit sa isang iglap ay diinaasahan
Nagbago ang lahat sayo aking kasintahan
Ang dating sayang ating nagpagsaluhan
Ngayo’y puno na ng sakit at kalungkutan

Akala ko noon pag-ibibigay walang hangganan
Ngunit ako’y sinaktan at iniwan
Puso koy ngayo’y nagdurusa
Sa pag-ibig na nagtapos ng kusa

Salamat sa pagbasa ng aking tula

Pangalawang post ko na ito ng tula sana na antig ko ang inyong mga damdamin.
Follow me @igneous-22