TULA

in #poetry6 years ago

PAASA
Bakit ba may mga taong paasa?
Meron nga ba, o ako lang tong umaasa
Sabi nila walang taong paasa kung walang taong umasa
Pero hindi naman siguro tayo umaasa kung hindi sila paasa

Nakakalito
Kasi ganyan ang pag-ibig
Kahit nagmukha ka ng tanga
Pinipilit mo paring magpakatanga

Paasa ka nga ba? O ako lng tong umaasa?
Kung ganon bakit sinabi mo sa akin na mahal mo ako
Bakit parang nagbibigay ka ng motibo
Kung papaasahin mo lng naman bakit ako pa?

Napakatanga ko kasi naniwala ako kaagad
Sa mga salita mong kay lulupit
Sa mga da moves mong nakakabwiset
Kaya heto ako nahbabakasaling sanay minahal mo

Tol! Pre! Dude!
Ang galing mo din ano
Kasi pinaasa mo ako
Umasa ako sa wala
Mga pangako moy ibinaon ko sa aking puso't isipan
Pero tama sila iiwan ka din ng taong minsan ng nangako
Mga pangako na pwedeng mapako
Kaya heto ako pilit gisingin ang pusong nagpaka bobo

Kailan ako gigising?
Sa umaga ba
Na ang sabi mo ako yung nagbibigay liwanag
Sa mapait mong kahapon?

Sa tanghali ba
Kung saan umusbong ang mainit nating pag-iibigan
O sa gabi
Kung saan sabi mo ako yung bituin na nagbibigay ningning

Bess gumising ka na
Wag kang magpaka bulag sa taong bulag din
Sa taong hindi nakita ang iyong halaga
Dahil bes di nila deserve

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67203.60
ETH 3513.52
USDT 1.00
SBD 3.20