Bakit

in #poetry6 years ago (edited)

FB_IMG_1526673325669.jpg

Hindi ko kailangan magpakilala sayo,
Hindi ko kailangan gawin Ang lahat para mapansin mo.
At Hindi ko kailangan ipagsigawan na andito lang ako habang ang mga mata mo nasa iba habang kasama mo ko.

Hindi naman mapagkakaila,
ang katangahan ko sa pag-ibig, pagdating saiyo.
Ako'y isang hamak na babae na nagmahal lang at hanggang ngaun umaasa na mahalin.

Kaso ang panahon ko nauubos na,
Hanggang kailan ako pwede umasa,
Hanggang kailan ako pwede mag-iintay sa wala.
Hanggang kailan ako pwede manlimos ng pag-ibig na ibinigay na sa iba.
Hanggang kailan ang sakit na gawa mo, matatapos pa ba?..

Ang sakit-sakit, gusto ko na kumawala!
Kumuwala sa kumunoy,
Kumunoy ng pag-ibig na nilikha ko.
Akala ko mamahalin mo ako, kung andito lang ako sa tabi mo.
Akala ko pwede maging tayo,
Tayo na buo.

Nagkamali ako,
Paano pa ko babangon.
Nilamon na ng sakit ang pagkatao ko ng buong-buo.
Walang natira kundi ang PAG-ASA na MAMAHALIN.

Tapos ako'y nagising,
Nagising sa pagkakahimbing.

FB_IMG_1526673314402.jpg

Salamat sa isang panaginip.

Ang mga larawan nagamit ay orihinal galing sa may akda.

Salamat sa supporta.😘😊

received_10155385124075785.png

Sort:  

Vakeeetttttt 😆😆😆

Ganun talaga ang puso ple, kapag nagising sa katotohan. 🤣🤣🤣

Salamat sa isang panaginip

Shakeettt 💔

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62228.71
ETH 2419.51
USDT 1.00
SBD 2.57