Poem / WALA NANG MAIBABALIK PA (A Filipino Poetry)

in #poetry6 years ago

Minsan, napapaisip ako
Ano kayang mangyayari kapag hindi ko idinaan sa biro ang nararamdaman ko?
Ano kayang mangyayari kapag hindi ko pinagdudahan ang mga kilos mo?
Ano kayang mangyayari kapag naniwala ako sayo?

Lahat kaya ay hahantong pa rin dito?

Sariwa pa sa aking isipan ang mga pangakong binitiwan mo
Na para bang kahapon lamang nang ito'y bigkasin mo
Na para bang kahapon, ako pa yung kasama mo
Na para bang kahapon, ako pa ang mahal mo

Apat na letra, isang salita
Iyan ang napili mong tawagan natin sinta
Tawagang nagpaibig at nagpakilig sa aking sistema
Na nagdulot sa sakit na ngayon ay iniinda

Sa dinami-dami ng lalaki, bakit ako pa?
Bakit ako pa ang napiling lokohin sinta--
Sinta? Ha! Ako rin ba ay iyong sinisinta?
O baka ay niloko at pinagtawanan kasama ng iyong mga barkada?

Sa malayo, sa iyo, ako'y nakatingin
Bakit di ako lumapit? Dahil baka ako'y iyong tabuyin
May nais sana akong sabihin
Kaso laging umaatras dahil baka ito'y hindi mo dinggin

Ano nga bang meron siya na wala ako?
Aminado akong mas gwapo siya't mas matalino
Mas mabait at mas matino
Pero kaya ko namang magbago basta para sa iyo

Oo. Oo umaasa ako
Umaasa ako na maibalik parin ang dating tayo
Ngunit kahit anong gawin ko ay wala na akong magagawa
Wala nang magagawa dahil wala nang maibabalik pa.


WALA NANG MAIBABALIK PA

isinulat ni @eceninzz
05 / 05 / 2018



432311.jpg



I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link


Your steem friend,

-Niño M.-


UPVOTE / FOLLOW / RESTEEM

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66004.40
ETH 3243.40
USDT 1.00
SBD 4.19