Poem / Tao lang din ako #PHILIPPINES

in #poetry7 years ago

Tao lang din ako (A Filipino Poetry)

isinulat ni @eceninzz
01 / 29 / 2018

Palalayain na kita
Mga salita na dati ay binitawan ko na
Ngunit mahirap panindigan kung ang puso mo ay labag naman
Puso nga ay nagsalita na kaya pa, laban pa, kapit pa
Ngunit kabaliktaran naman ang sinisigaw ng iyong isipan
Ayoko na, pagod na ako at bibitawan ko na siya
Tao lang din ako, napapagod at nasasaktan na.

Sa pagpilit kong maibalik ang dati
Puso ko naman ay parang sumulong sa labanang ako lang ang gustong lumaban
Natamaan ng balang tagos sa puso't isipan
At doon napagtanto ko na wala akong kalaban-laban
Tao lang din ako, sumusuko din minsan sa labanan.

Ang lahat naman daw ng mga nangyayari ay may katumbas na rason
Ngunit hindi ko pa maintindihan at makita ang dahilan ng mga nangyayari sa ngayon
Nais kong umintindi ng umintindi ngunit habang tumatagal pasensya ko ay paikli ng paikli
Naalala ko na tao lang din ako napapagod din na umintindi.

Hindi ko gustong tumigil magparamdam
At hindi ko rin gustong sukoan ang taong gusto kong ipaglaban
Pero naalala kong tao lang din ako marunong din na masaktan
Sa mga araw na hindi ka nagparamdam ay siya ring mga araw na gusto kitang maramdaman
At kong anu-ano na ang aking sinabi ngunit ni isa wala ka man lang nasabi
Hindi ko alam kung bakit at ano ang iyong mga dahilan
Pero sa ngayon nais ko na iyong malaman
Hindi man kita gustong sukoan pero tao lang din ako na ang pang-unawa ay may hangganan.
Ako ay pagod ng lumaban, kaya para sa'yo "Tao lang din ako" marunong masaktan.

Image Source



I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link

ece-2.gif

This is your steem friend,

- Niño M.


UPVOTE / RESTEEM / FOLLOW


Sort:  

nice to meet u... vote for vote :D

nice to meet you too my friend :)
Thanks. Steem On!

Pusong pagod na, patuloy pa ding umaasa

astang panit pagod na lol hahaha

grabehag hugot ui, hahaha.. nice, maau mo pakungon ni disay hahaha alkansi ka

hahaha.. paluagan G?

hahahah paluagi gamay para d maghuot ang dughan

Ouch... the feels.
Sana sabihin din niya na Tama na, napapagod ka na... something like that or so..
Lalim ng hugot. Heheh

Hahaha. Salamat po. ☺

ahahah magsama kayo ni @tpkidkai ang lalim na sa tagalog pati pa sa hugot haha

Hahah nag-iipon pa ako ng hugot watch out for the Feb 13 feels bwahaha @maverickinvictus

Congrats @eceninzz on being featured sa @steemitfamilyph featured post

Hahaha. May pinaghuhugotan, xD

@tpkidkai salamat po. Hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 67706.36
ETH 2616.68
USDT 1.00
SBD 2.72