Poem / Pag-ibig ng Kasintahan ( A FIlipino Poetry )

in #poetry6 years ago

Paano nga ba umibig ang isang ginoo?
Maghahatid-sundo at manunuyo,
Iaalay lahat ng paborito,
Maglalaan ng araw, oras ultimo minuto.

Paano nga ba umibig ang isang dilag?
Iintindi at magpapasensya kahit sa loob ay labag,
Magbibigay ng inspirasyon, pag-asa at habag,
Kahit sa luha man siya ay lumulubog.

Paano nga ba magmahal ang binata?
Bituin at buwan ang kayang makuha,
Dagat at kabundukan ang ipapanata,
Mula lupa hanggang langit kung maglathala.

Paano nga ba magmahal ang dalaga?
Magpupuyat para sa binata,
Kakalimutan ang iba at uunahin ka,
Lahat ng kasiyahan ay mula sa sinisinta.

Paano ipababatid ang pag-ibig ng kasintahan?
Ito ang ultimatum na dapat ay ilaan,
Higit sa salita o gawa o pagpaparamdam,
Kailangan ay kalinga, pag-ibig at kasiguraduhan.

Lahat ay inialay na ng mapagmahal na ginoo,
Ngunit bakit pag-ibig ay nahulog sa bitag ng pagkalito?
Naipadama ng dilag ang lahat ng ito,
Ngunit bakit samahan ay nagkalabo-labo?

May mali ba ang dalaga sa kanyang ginawa?
Bakit pangako ng binata ay biglang nawala?
Sino ba ang nanggulo sa samahang binuo?
Ang dalaga o binata o ang mundo?

Sino ang sisisihin sa pagkawalay?
Siya ba na nagkamali at sumuway,
O ang lumayo, sumuko at di naghintay,
O pareho kayo dahil sa iba ay bumigay.

Kaya naman sanang pagtibayin,
Kung nanaisin at pipilitin at gugustuhin,
Ngunit pareho ng pag-asa ay nagdidilim,
Kaya ngayon ang lahat na ay nakalihim.


Pag-ibig ng Kasintahan

isinulat ni @eceninzz
04 / 28 / 2018



1.jpg



I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link


Your steem friend,

-Niño M.-


UPVOTE / FOLLOW / RESTEEM

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by eceninzz from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63464.16
ETH 3111.33
USDT 1.00
SBD 3.98