100 Tula mula sa akin: Poem 04- Buntong Hininga ❤

in #poetry6 years ago

PSX_20180505_151216.jpg

"Hay" isang malalim na buntong hininga,
Mula sa taong nagsasabing "nakakapagod na".
Mundong patuloy na umiikot, paulit ulit na,
Pagsubok na di nauubos, "Kaya pa ba?"

"Hay" isang malalim na buntong hininga,
Mula sa taong pasuko na, "ayoko na".
Pilit kong sinusubukang kumapit pa,
Patuloy na sinasambit, "kaya mo pa!"

"Hay" isang malalim na buntong hininga,
Mula sa kaibigang wika ay "konti pa".
Paalalaa na ang Diyos ay sasamahan ka,
Suliranin ay malalampasan, "ikaw pa ba?"

"Hay" isang malalim na buntong hininga,
Mula sa taong nagkaroon ng pag-asa, "kapit pa."
Mga bagay na 'to ay pansamantala,
Makakaya din natin 'to, "Magtiwala ka".

Isang makapagdamdaming tula a muling pagbabalik ng aking 100 tula challenge! Hahaha! Sa mga may pinagdadaanan tulad ko lol kapit lang mga bes! Malalampasan natin to! 😂


IMG_20180116_235645.JPG

Thank you for reading! ✨

-Dy


Sort:  

kapit lang, Dy Ang ganda ng poem at ng writing :D minsan talaga isang buntong hininga lang kailangan para makausad.

Tru that!!! Salamat sa suporta tito jazz HAHAHHAA

Para sa'tin na kahit pagod na lumalaban parin sa buhay, sa hirap at sa ginhawa. Dahil alam natin na dadating din ang araw na mawawala din ang pagod na to sa tulong ng Mahal nating Ama :)

Ameen and Ameen!!

World of Photography
>Visit the website<

You have earned 6.50 XP for sharing your photo!

Daily Stats
Daily photos: 1/2
Daily comments: 0/5
Multiplier: 1.30
Block time: 2018-05-05T07:30:09
Account Level: 0
Total XP: 88.85/100.00
Total Photos: 14
Total comments: 13
Total contest wins: 0
When you reach level 1 you will start receiving up to two daily upvotes

Follow: @photocontests
Join the Discord channel: click!
Play and win SBD: @fairlotto
Daily Steem Statistics: @dailysteemreport
Learn how to program Steem-Python applications: @steempytutorials
Developed and sponsored by: @juliank

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.031
BTC 57405.63
ETH 2867.89
USDT 1.00
SBD 3.54