Minsan by Engr. David Matthew A. Derit

in #poetry6 years ago

Minsan

Sa bawat saglit nang mabagal na yugto
sa buhay ko ngayun ay tila walang kibo.
Sa bawat oras, sa bawat patak
nang mga segundong tila may winasak.

Minsan sa bawat pitik nang mga pahina
nang librong kina gigiliwang binabasa.
Mga letrang tila naging pandama
sa librong nakaukit na mga salita.

Minsan sa pagsapit nang takip silim,
Sa bawat hinatnan sa yakap ng dilim.
Maginaw na apoy, gustong damhin,
Malamig mong halik, gusto muling matikim.

Minsan di na lang maiwasan ang sariling
mga mata'y bumubuhos sa mga luhang walang kasiping
Sa bawat minsan na ating pinagsamahan,
ay naging pahina sa libro nang nakaraan.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59190.54
ETH 2521.17
USDT 1.00
SBD 2.53