"Mabigo ma'y ulit tatayo"- A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

trac-nghiem-ban-nen-lam-gi-vao-thoi-diem-nay-2-khamphatre.com_.jpg

"Mabigo ma'y ulit tatayo"

Ang tagumpay ay walang katumbas pag ito'y nadama

Araw-araw, paulit ulit at pinipilit itong magawa

Sa pagsikat ng araw hanggang sa ito'y lumubog

Buhay nating hindi nauubusan ng pagsubok

Salungat ng tagumpay ay ang pagkabigo

Mabigat na kalaban kung maituturing ito

Minsan ang mundo ay alalay ng kabiguan

Walang patas at walang pinapaboran

Sariling kakayahan ang mainam na panlaban

Ang kabiguan ay hinding hindi maiiwasan

Paulit ulit man itong maranasan

Karanasan at inspirasyon ang nagpapatuloy sa laban

Ang paglalakbay patungong tagumpay ay ang mismong pangarap

Ang tagumpay ay ang dulo ng pangarap

Tila mahirap man ang mapagdadaanan

Talagang sulit na sulit naman ang kalalabasan

Kaya kahit paulit ulit mang mabigo

Muli't muli paring tatayo
trac-nghiem-ban-nen-lam-gi-vao-thoi-diem-nay-2-khamphatre.com_.jpg

This is a filipino poetry made by my actual experience in daily living

Hope you enjoy it and learn something from it and remember, do not even think about giving up

Not even trying leads to regret

Thank you for reading and thank you for your time steemians

Follow me, @dexter24 for more post and blogs

Good day everyone and godbless

Sort:  

May mga bagay na daraan sa atin kahit ito'y masakit. Ang importante ay natuto tayo sa ating pagkadapa at gamitin ito upang tayo'y makatakbo :)

Thanks, you are also

Thanks, you are also

Madadapa ka muna bago ka tuluyang bumangon 😎


salamat sa tulang nagbibigay ng inspirasyon sa lahat.

Salamat sa commendasyon na iyong binigay ,at salamat din at naging daan ang aking tula upang maging inspirasyon sa karamihan

if you want more upvotes check out my last blog post @a-0-0

muling tatayo, tuloy lang. salamat @dexter24

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 59351.18
ETH 2529.39
USDT 1.00
SBD 2.42