image source
BAYANI NG BUKID
Ako'y magsasakang bayani ng bukid
Sandata'y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahi't na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian(adult carabao)
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.
Ang haring araw di dapat sumisikat
ako'y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
at tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila'y umaasa sa pawis ko't gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
ang ani'y dumami na para sa lahat
Kapag ang balana'y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso'y magagalak.
At pagmasdan nyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid mamamalas pa rin
Ang alagan hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato't alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Ako'y gumagawa sa bawa't panahon
Nasa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako'y maktulong
At nang mabawasan ang pagkakagutom.
by: Al Perez
↑
Upvoted and re-steemed.
Sige pa more Kuya.
thx sa support ma'am
This is what I like about Steemit, it brings out the artist in us just like you. It lets us express the creativity in our way in different fields that we can do without boundaries. Keep it up you are making the Steemit community proud of what you are doing :) Have a good one!