image source
ANAK
Siyam na buwan kang inantay
Luha at pagud ang inalay.
Para pagdating mo sa mundo
ikaw ay malusog at bibo.
Nang ikaw ay isinilang,
laking tuwa ng magulang.
Regalo ka ng diyos
biyaya kang lubos.
Ngiti mong parang gamot,
Tanggal lahat ng sakit at kirot.
Mga mata mong parang bituin
at tinig mong sin lamig ng hangin,
Ang siyang pang hawi ng pagod namin.
Gagawin namin ang lahat
aalagaan ka umaga't gabi kahit mapuyat.