FILIPINO POETRY : "Panandaliang kilig "
"Panandaliang kilig"
Mahabang mensahe galing sakin ay kinikilig ka na.
Kaunting paglalambing ay labis na ang iyong ikinasasaya.
Sabihin ko lang na "Kumain ka na at magpahinga"
Ay susuklian mo kaagad ng emoji-ng may puso sa mata na nakanguso pa.
Sa tuwing ako'y kausap ay di ka mapakali.
Gagawin ang lahat ng paraan at pagkain ay isasantabi.
Aamin bigla sa aking kinikilig ka na,
Ngunit maya-maya ay asahan mong aawayin na muli kita.
Nagagalit ka sa tuwing ako sayo'y nagsusungit.
Sasabihing maging minsa'y sayo ay maging mabait.
Ipipilit sa akin na ang sarili ay idikit,
Kaya lalayasan nalang kita upang tuluyan kang magalit.
Sinabi ko na sayong tigilan na natin ito,
Ngunit makulit ka at pilit na pinipilit mo ako.
Kaya ang gagawin ko ay di ka nalang papansin.
Upang sayo'y ipahiwatig na ikaw ay hindi magiging akin.
Pakikiligin kita ngunit kiligin ka lang sana.
Panandaliang kilig lamang ang aking ipinadarama.
Wag mo na sana itong paabutin sa iba.
Dahil ako'y hindi pa handang magmahal ulit ng iba.
this me, myself and i ..
hi guys, sana po nagustohan nyo and tulang ito :) maraming salamat po sa pagbabasa ..
Congratulations! You received a 10% upvote from @kryptoniabot.
Remember to receive votes from @kryptoniabot
*For those who want to join the growing community, get your free account here: Kryptonia Account