Tanging Hiram (TULA) #PHILIPPINES
Sagot sa iyong mga tanong
Salita na halos pabulong
Tula na may saknong
Problema na kaylangan ng tulong
Buhay na tanging hiram
Luha na naghihilam
Sitwasyon na kadalasa'y walang pakialam
Kaya paghihirap mo'y walang may alam
Ikot ng buhay na parang gulong
Minsan ika'y susulong
Minsan nama'y uurong
Kaibigan, sa takot wag kang magpakulong.