Hintay (TULA) #PHILIPPINES

in #poetry9 years ago

Ilang oras paba?
Mauupo sa tabi at namumuti ang mata.
Ilang text paba isesend ko para lang malaman kung darating ka pa?
Parang ang mga bagal ng mga sandali
Naiinip ako tila ba nagmamadali.
Natutulala, ako'y nababahala.
Tila ba ako'y naghihintay sa wala.

Naalala mo kayang may naghihintay sayo,
O sadyang abala ka at sa isip mo'y wala ako?
Lumilipas ang oras, tila walang wakas,
Naghihina ako't para bang walang lakas.

Ilang linggo na pala
Ngunit hindi pa din ikaw nagpapakita.
Natiis mo ako, habang nababaliw ako,
Sa kakahintay sa taong kinalimutan na ako.
Ni text o tawag, wala kahit ano.
Naalala mo pa kayang mahal mo ako?

Sapat na ba ang lumipas na sandali
Para tumigil sa aking paghikbi
At sa paghihintay ko
Sa di ko alam kung darating pa ba o hindi.

IMG_20171215_140904.JPG
Photocredits

Tangkilikin ang sariling atin! Mabuhay!

unnamed.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.099
BTC 62848.28
ETH 1779.86
USDT 1.00
SBD 0.38