Naalala Mo Pa Ba? (Filipino Poetry)
Naalala mo ba nung tayo'y unang nakita?
Ako'y tuwang tuwa, makita ang iyong ngiti.
Ang iyong saya, ay aking nadama.
Tanging nais ay makita ka palagi.
Naalala mo ba nung tayo'y nagkatabi?
Alam na alam ko, may gusto ka sa akin.
May gusto ako sa yo, pero di ko masabi.
Dahil ako'y nahihiya na ito'y sabihin.
Naalala mo ba nung tayo'y nagpapalitan ng mensahe?
Nung ikaw ay magsabi ng iyong kalungkutan.
Nadama ko, kaya ako'y nagresponde.
Masaya ako, pag ako ang iyong pinagsasabihan.
Naalala mo ba nung ikaw ay medyo lumayo?
Ako'y nasaktan, ang tingin mo isa lang akong kaibigan.
Naramdaman ko na hindi ako makakapagpasaya sa yo.
Pag nakikita kita, ni hindi kita matingnan.
Tapos na ba? Wala na ba talaga?
Ang iyong nararamdaman sa akin?
O kaya ay mabibigyan mo pa ba ng tsansa?
Na ipakita at ipadama na ako'y iyong ibigin.
Please vote for @surpassinggoogle and @good-karma as witnesses.
Upvote this for me please? https://steemit.com/christianity/@bible.com/verse-of-the-day-hebrews-4-16-nlt
Indi siya lumayo kasi natapakan mo palda niya. Paano siya makakatakbo kuya @toto-ph?