FILIPINO POETRY: Ikakasal ka na, iniwan mo akong nag-iisa
"IKAKASAL KANA, INIWAN MO AKONG NAG-IISA."
KASAL isa ito sa pinaka-masayang araw
Masayang araw para sa dalawang taong nagmamahalan
Ang tanda ng pag-iisa ng dalawang taong magkasintahan
Magpasa walang hanggan
Ang panahon kung saan kailangan
Kailangan niyong harapin ang dagundong ng kasiyahan
Pati na rin ang hamon sa inyong pagmamahalan
Iba ang saya, iba ang tuwa kapag nakakakita ako ng ikakasal
Na pinapangarap ko na balang araw,
Dadating ako sa panahon na iyon,
Darating din ako doon,
Na haharap ako sa altar kasama ang taong mahal ko,
Ang magiging kabiyak ko,
Ang makakasama ko habang buhay
Na darating din ako sa ganon,
Na sana ganun din ako.
Sobrang saya, Sa sobrang galak makukuha mong umiyak,
Hindi dahil malungkot ka,
Kung hindi dahil ito ay epekto ng kasiyahan na mayroon na namang dalawang taong masaya
dahil sa wakas Natagpuan na nila kung sino ang siyang magpapasaya sa kanila
pero bakit ganon, bakit tila iba ngayon,
iba dahil hindi ako masaya,
Hindi ako natutuwa sa kaganapan
Hindi ako masaya sa aking nalaman
Ayoko makita, ayokong masaksihan
O kahit na malaman kung kailan
Dahil ayoko, ayoko, ayoko,
Hindi nakakatuwa na malaman na ikakasal ka na, habang ako naghihintay pa.
salamat po sa pagbasa my dear steemians , sana ay nagustohan at naaliw kayo na tulang ito.. ang tulang ito ay pinagbabasihan po sa karanasan nang isang taong nasaktan dahil sya ay naghihintay parin sa taong mawawala na sa kanya ng tuluyan :(
Congratulations! You received a 10% upvote from @kryptoniabot.
Remember to receive votes from @kryptoniabot
*For those who want to join the growing community, get your free account here: Kryptonia Account