Kapag ako'y nag-iisa

in #poetry6 years ago (edited)

ana wilson.jpg

"Kapag Ako'y Nag-iisa"


Kapag ako'y nag-iisa, ako'y nag-iisip
Kapag ako'y nag-iisip, ako'y may naaalala
Kapag ako'y nag-gugunita, nararamdaman ko ang sakit
Kapag ako'y umiiyak, hindi na ako tumitigil

Ganito na lang ba talaga ako?
Palagi na lang bang sakit at hirap,
ang aking mararanasan?
Saan banda ako nag-kamali?
Nawa'y ako'y inyong gabayan
sa ganitong buhay.


Masaya ako ngayon sa ganitong buhay
nag-iisa, pero masaya kahit wala ka.
Minsan naisip ko kung ikay'y
babalik, tatangapin pa ba kita?
Wala ka nang babalikan, kasi
masaya na ako sa ganito.


Napag-tanto ko na habang tumatagal lalu akong tumatatag
dahil naisip ko na; dapat lalu akong lumakas nang wala ka.
Minsan ano ang naisip ko, ano ba ang gusto ko talaga?
Hustisya ba o pag-hihiganti? Gusto ko lang ba mapagaan ang
hirap na nararamdam ko? O gusto kong matahimik para sa nakakarami?
Alin pa man, kapag ako'y nag-iisa, ako'y lalung napabuti.


GIF-180316_162802.gif

Sort:  

picture of the day na itey ate Ahna ..ahahaha

done upvoting. nicely made post. keep sharing.

shit. [insert emo music]

..ahahaha ung mapapakanta k nlng ng boulevard of broken dreams...ahahaha 😂😂😂😂 i walk alone 🎶🎶🎶

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 60420.16
ETH 2609.11
USDT 1.00
SBD 2.60