Tagalog Poem #4 || Kapayapaan ang Aking Inaasam #PHILIPPINES

in #poetry6 years ago

Kailan pa ba hihinto ang kaguluhan sa mundo?
Nakakasawa na makarinig ng gulo doon at gulo dito
Gusto ko na ng kapayapaan
Para rin naman ito sa ikabubuti ng ating bayan

Diskriminasyon ang unang rason
Kung bakit patuloy pa rin ang gulong nakakalason
Dahil sa iba't-ibang pisikal na anyo natin sa isa't-isa
Hindi talaga maiiwasan ang panghuhusga natin sa kapwa

Iba't-iba ang tanaw ng mga tao sa problema ng mundo
Isa ring rason kung bakit magulo pa rin ito
Ang iba ay may iba't-ibang opinyon
Kaya hindi talaga tayo payapa hanggang sa ngayon

Gayahin nating ang South at North Korea
Sa tagal ng panahon ng kanilang hinintay na maging malaya
Dumating rin iyon at naging payapa na sila ngayon
Inalis nila ang galit sa kanilang puso at lahat sumang-ayon

Bakit kaya hindi natin unahin ang pagbabago sa ating sarili?
Upang maging bukas sa mga problema kahit anong mangyari
Mas mabilis natin mabago ang mundo
Kung sa ating kapwa magiging mabuti tayo, mismo!


Kapayapaan ang Aking Inaasam
by: @abichan

images-1.jpg

It's a little late but I would like to dedicate this poem for the Independence Day of the Philippines. #MABUHAYPILIPINAS!

FOLLOW || UPVOTE || RESTEEM

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66703.61
ETH 3518.80
USDT 1.00
SBD 2.68