TAWAG NI INANG KALIKASAN

in #poetry6 years ago

Mountain-river-green-pine-forest-rocks-and-green-grass-Wallpaper-Download-HD-2880x1800-915x515.jpg
Image Source

TAWAG NI INANG KALIKASAN

Halina, halina, mga iniibig,
Halina't sa aking kandunga'y humilig,
SA piling ko'y walang anino ng sakit
Na sa inyong puso'y sukat lumigalig.

Ang mga batis ko, dagat, yungib, sampung kapataga'y
Mayaman sa awit, tugtugi't tulain, alamat at buhay.
SA gilid ng batis naghanay ang batong nangasisiawit pag hiniligan mo.
Tubig ng kudyapi't ang bagting ay damo, at ang tagasaliw ng hanging mangaso.

Magsiupo kayo sa lilim Ng dapdap at Inyong langhapin ang simoy ng dagat,
Ang taghoy ng along taboy ng habagat
Ay pakinggan ninyo't daing ng pagliyag.

SA gulod sa bundok nama'y naroon
Ang nagyayabungang mga punongkahoy,
SA maraming bungang sa sanga'y nag-ugoy
Mamili ng hinog at kayo'y mamupol.

Sort:  

Congratulations, Your post has been resteemed for free by @resteemnowph.

Follow us at https://steemit.com/@resteemnowph or https://steemitstage.com/@resteemnowph
We are just starting. Thank you so much for the support.

Ang husay ng pagkaka tagni-tagni ng mga malalalim na salita sa tulang ito.

Magsiupo kayo sa lilim Ng dapdap at Inyong langhapin ang simoy ng dagat,
Ang taghoy ng along taboy ng habagat
Ay pakinggan ninyo't daing ng pagliyag.

Na miss ko tong mga salitang ito. Hindi na siya ginagamit ngayon. Salamat!

Salamat din po sa pag basa

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by aaronplando being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 58389.23
ETH 2521.57
USDT 1.00
SBD 2.35