Minsan Lang Naman
Minsan Lang Naman
Magandang simula ng pagpapaalam,
Nagkatawanan, nagkatuwaan;
At nag wakas sa magandang usapan.
Matapos ang lahat sa kanya'y may tumawag,
Kay saya nila, mukha ay maaliwalas;
Di nga alintana ang oras na lumipas.
Maririnig boses na kay tuwa,
Para bang miss na miss na ang akala;
Kung pwede lang sana gawin pang mahaba-haba.
Ngunit kailangang pag-uusap di sagarin,
Sa dahilang may lakad sana ay paglibanin;
At hanggang sawa sana maririnig tinig na nagpapasaya.
Sayang siguro sa isip niya,
Kung wala sanang asungot na kasama;
Hanggang dapit hapon sana pag-uusap nila.
Sa tuwing makikita pangalan sa celpon niya,
Halatang excited ang nadarama;
Pakunwari'y baga'y kay tagal di nakikita.
Bugso ng damdamin di man ipahalata,
Ngunit nababasa naman ang kilos at gawa;
Bagama't gusto niya kunwari di daw pala!
Sa pagsapit ng araw biglang magagalit,
Di alam kung ano, at bakit;
Mainitin ang ulo, sumpong kumapit.
Kaya naman ang ipinagpaalam na araw,
Hindi na sana tutuparin ngunit kailangan man din;
Kung may galit at paninimdim,
Di alam kung paano uunawain.
Ngayon araw ay dumating,
Umaga pa lang init ng ulo sasagupain;
Paano ba ito di ko na gusto.
Ahhhh, alam ko na paano pahuhupain,
Tatawag lang naman ang na miss niyang tanawin;
Alam kung 'yon lang solusyon natin.
Lumipas ang oras parang ganun pa rin,
Tutuloy na sa lakad importante pa man din;
At sa pag-papaalam ay may bahid ng dilim.
Nasa lokasyon na'y medyo alanganin,
Ang isipan ay ligalig pa rin;
very nice poem, my friend
Thank u is simple but meaningful, steem on and God bless.
Very nice.
Thanks for the compliments and go steem!
This post has been ranked within the top 50 most undervalued posts in the second half of Sep 11. We estimate that this post is undervalued by $21.80 as compared to a scenario in which every voter had an equal say.
See the full rankings and details in The Daily Tribune: Sep 11 - Part II. You can also read about some of our methodology, data analysis and technical details in our initial post.
If you are the author and would prefer not to receive these comments, simply reply "Stop" to this comment.