Pinoy Poem: Destinasyon
Pinoyhood
: the state or condition of a Filipino (Pinoy)Ohoy [Hello] Steemians!
Destinasyon
ni Tim Liwanag
Naglalakbay—
sa daraanan ng aking mga paa
kahit nakayapak; lakad lang basta
sa daraanan man ay may naiwanang bakas
kahit masalubsob; tumuloy sa landas
dahil may PATUTUNGUHAN
ang taong may natutunan
Paglalakbay—
sa malapit man o malayo pa
kahit ma'y madapa; tindig agad basta
sa makitid o malawak na daan
kahit mapagod; tumuloy na't bilisan
dahil may DESTINASYON
ang taong may imahinasyon
Want more Pinoy poems here? Please upvote and resteem. Thank you. ^^
Live great!
TL
@pinoyhood
Mabuhay!
Social Links
Pinoyhood Facebook Page
Pinoyhood WeKu Blog