PAALAM ( A Filipino poem about goodbye)

in #poem7 years ago


image source: https://www.fluentu.com/blog/french/say-goodbye-french/
alam ko namang ito ang iyong gusto
na ako ay umalis at lumayo sayo
ito ang dahilan kung bakit ayaw kong aminin
ang nasa loob ng aking damdamin

dahil natatakot akong baka magbago ka
sa sandaling malaman mo ang aking nadarama
at nangyari nga ang aking kinatatakutan
nagbago ka nalang bigla ng iyong malaman

alam ko naman mula pa sa umpisa
na ang damdaming ito'y walang pag asa
pero di ko alam kung bakit nagpatuloy
wala mang pag-asa'y pilit paring ipinagpatuloy

masakit man pero kailangan tanggapin
na hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa'kin
na di mo kayang suklian ang damdamin kong ito
ang damdamin na inalay ko sayo

pinipigilan ko ang sakit
at ang aking nadaramang pait
alam kong mali na ikaw ay ibigin
pero kasalanan ko bang sayo nahulog ang aking damdamin

pero kahit gano'n ang nangyari di ko maloloko ang aking sarili
na hanggang ngayon ay umaasa parin sayo
umaasa na sana bukas o bukas makalawa
babalik ang dati sa ating dalawa

salamat sa mga panahong pinasaya mo ako
at pinadama mo na importante ako
yung panahong parang kay dilim ng mundo
pero binigyan mo ng liwanag ang buhay ko

pero kailangan ko ng bumitaw
matatanggap ko rin lahat ng ito balang araw
di man naging tayo pero alam mong mahal na mahal kita
masakit man sa damdamin pero mahal, paalam na.

Thank you for reading my post. Have a good day steemians and Mabuhay!!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.22
JST 0.037
BTC 98660.69
ETH 3408.24
USDT 1.00
SBD 3.18