Bakasakali(MAYBE)

in #poem5 years ago

Kung ang iba
Kayang ihakbang ang mga paa nila
Patungo sa taong mahal nila
At sabihin ang tunay nilang nadarama
Iba ako, di ko kaya yun
Kontento na akong nakatingin sa malayo
Habang pinagmamasdan ko ang mga ngiti mong nakakagunaw ng puso
Kontento na akong pagmasdan sa malayo
Ang iyong mga matang napakaganda
Katulad ng buo mong pagkatao
Kailan kaya makakalapit
Hanggang kailan maghihintay na dumating ang araw
Na ika'y akin ding makikilala
Pagbibigyan ba ng tadhana
O magtatiyaga nalang na pagmasdan ka sa malayo
Na para bang iyong anino
Na kahit saan nakasunod sayo
Pero kailangan kong makaipon ng lakas ng loob
Kailangan kong masabi sa iyo ito
Pero mukhang hindi ko nga kaya
Kaya heto ako ngayong, naghihintay
Nagbabakasakali, baka tadhana na ang gagawa ng paraan para tayo'y magkalapit
Baka padparin ka ng hangin patungo sa aking tabi.
Tiwala lang.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63362.14
ETH 2592.64
USDT 1.00
SBD 2.80