ROSAS - AKING MAIKLING TULA: ROSES - MY SHORT POEM
ROSAS
by @mers
Ako ay masaya kapag ika´y laging nakikita
damdamin umaapaw karugtong ay gunita
sa mga dumaraang oras at mga sandali
mag isa man sa hardin ako´y napapangiti
handog mong halimuyak kapag lumaganap
agad nagdaragdag ng kay gandang pangarap
Ikaw ay katulad ng isang dilag na hinihirang
na laging itinatangi ng maraming nilalang
ano pa man ang tindi ng iyong mga tinik
bale wala ito dahil sa bango ng iyung halik
tanging hiling ng tulang ito´y pag ukulan
laging isiwalat wagas mong kagandahan.
Salamat po sa pag basa ng aking maikling tula... (thanks for reading my short poem).
@mers sweet poem and lovely pink roses. It reminds me of the song, La Vie en Rose 🌷
Hahaha... thanks @lemonchum.. I love that song! I´ll be copying the original version in french because I´m learning the language at the moment.
Oh.. I love that song, too!
:-)) How´s the score doing for our Spotlight entry?
sent you PM :)
Talagang kaibig ibig ang taglay mong ganda para kang si ate mers na humahalimuyak sa taglay mong bango at ganda bow!!!
Tumpak @june21neneng ! Hahaha... very good Neng! Mag submit ka nga ng poem!
Salamat! I like it!
Agoy! Kanang mga nilalang diha inspiring!!!
tinuod gyud na @otom... hehehe.
Love the Roses. Voted up.
New roll call is here.
https://steemit.com/philippines/@yehey/teamphilippines-roll-call-37-sept-17
Follow me @Yehey
Thank you
Thanks @yehey!
ayos rhyme na rhyme! galing....
salamat po @marlon241982