Tula #4: Ang Wakas

in poem •  5 months ago

IMG_20181027_145350.jpg

Tula #4:

Ang Wakas

Kung ga'no kabilis nagsimula,
Ay siya ring katuling nawala.
Di mababalikan ang simula,
Di na muling makakapag-umpisa.

Masaklap na katotohanan,
Dahan-dahang nabuksan.
Aking natuklasan,
Sa masaklap ding paraan.

Ikaw pala'y di akin,
Kahit di mo sabihin.
Ako'y sadyang di iyo,
Akin ng napagtanto.

Tanging panalangin sa Maykapal,
Pakinggan taimtim kong dasal.
Nawa'y sa paglisan mo'y s'yang pagdating
Ng lalaking nakatadhana't aking hiling.

Isang pasasalamat,
Sayo pa ri'y nararapat.
Subalit sana'y iyong damdam,
Ito na rin at paalam.

Paalam.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Love this one ate, well done.

·

Thank you po! 😍