"Magpatuloy"

in #poem8 years ago

"Magpatuloy"

Orihinal na tula ni @jmaeunabs1


source

Marami na akong pangarap na hindi natupad
Nakita ko kung paano sila nawala na parang bula
Ngunit napagtanto ko na hindi ito rason upang sumuko
Isa lamang ito sa napakaraming rason upang magpatuloy

Nagdarasal pa rin ako kahit walang niisa sa mga ito ang natutupad
Kahit maghihintay ako ng napakatagal
Hinding-hindi ako susuko
Ipagdarasal ko pa rin ito

Marami na akong itinanim na buto
Ngunit iilan lang sa mga ito ang tumubo
Subalit hindi ito hadlang upang ako ay malumbay
Sapagkat ang Panginoon ang lagi kong kaagapay

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.081
BTC 61409.26
ETH 1609.40
USDT 1.00
SBD 0.47