Sa Iyong Mga Mata

in #poem6 years ago

Inyong masdan ang kanyang larawan
Sa unang tingin diba't may gandang angkin
Malantik na pilik buhok na maitim
Mapupulang labing nakakaakit kahit nakatikom

Ngunit iyong pakatitigan kanyang mga mata
Di maikakailang sya'y may problema
Na kahit pa ngumiti sa harap ng kamera
Sakit at pait pa rin ang makikita.

Sa malamlam mong mata tunay na makikita
Tunay mong damdamin na ayaw ipahalata
Di ka makatingin ng tuwid sa madla
Sapagkat ayaw mong kanilang makita iyong mga luha💔

IMG_20180129_074947.jpg

Sort:  

ang ganda po talaga :-) Good morning po :-)

Ung tula o ung tumula? hahaha
Muahhh

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00