Hugot na Tula/Poem for Filipinos #11: May naiwan ako sa Jollibee
Sa bati ng guard
Welcome to Jollibee
Natawa ka
Sa Ingles ni kuya
Tunog call center agent
Hindi bagay sa kanya
Sa ikatlong hanay
Sa lalaking service crew
Nakasuot ng pula
Sinabi mong pinangarap mo rin
Ang maging tulad niya
Gusto mo ng kanin
Gusto mong tikman ang garlic beef
Mag-Shanghai ka, sabi ko
Ayoko, tugon mo
Mas masarap ang lumpia ng nanay ko
Ayaw mo sa second floor
Nakakalula ang hagdan
Ngumiti ako sa dahilan mo
Ngumiti ka
Matamis
Kasing tamis ng coke float
Tumahimik lang ako
Hindi ko gawain ito
Sanay ka na
Na hindi ako relihiyoso
At iyon ay tanggap mo
Ang order natin
Masarap ang garlic beef, bulong mo
Ngunit mas masarap ang pag-ibig mo
Napatigil ako
Nagbuhol ang pasta at lalamunan
Iniabot mo ang baso ng tubig
May coke float ako, sabi ko
Mas maganda ang tubig, sabi mo
Puro at dalisay
Hindi komplikado
At nagniig ang mga mensahe
Ng malalagkit na titigan
Alam kong ngayon ka lang akin
Sa harap mo at ng pagkain
Ayoko na, sabi ko
Ngunit di pa ubos ang Spaghetti mo, sagot mo
Ayoko na, ulit ko
At nagkalas tayo
Thank you for coming,
Sabi ng sekyu
Paalam, bulong ko sa sarili ko
Upang tikman ang spaghetti at burger
At lumpiang Shanghai ng Jollibee
Hindi ko na matitikman pa
Ang katas ng mga salitang
Mahal kita
steady friend
Back vote