Maingay na kapitbahay!!! #rant

in #pinoy6 years ago

Nakatira kame sa apartment na dikit dikit dito sa QC. Literal na mga kahoy lang ang pabitan namen sa isat isa. Kasamaang palad, sobrang ingay ng pamilyang kapitbahay namen!!!

Nakakaasar na!!! Lagi nameng napagsasabihan at binabawalang wag masyado g mag ingay pero ganun pa din. Sila pa ang galit. Sila pa ang maangas!

Videoke sa gabi. Chismisan. Patugtog ng radyo. Bulyawan. Ang masama pa nito, yung mga mura ng matatanda na naririnig ng mga bata!!!

Last resort, isumbong sa may ari ng bahay. Ang kaso, nasa US ang may ari ng bahay. Walang caretaker sa mga apartment. Pag andito lang sa pinas matahimik na parang anghel ang mga bwisit na kapitbahay!!!

Bwiset! Kung meron lang sanang malilipatan. Kaso mahirap ang buhay dito sa manila. Mahirap maghanap ng bahay na may kalakihan at kaya ang upa. Gustuhin mang lumipat sa probinsya, andito sa manila ang aming pinagkakakitaan! Walang magawabsa ngayon kundi magtiis at makipagbuno sa ingay!!!

Image downloaded from pexels.com for patent free pictures

https://s3.us-east-2.amazonaws.com/partiko.io/img/tigeeboi-maingay-na-kapitbahay-rant-1527510788648.png

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53778.84
ETH 2224.93
USDT 1.00
SBD 2.30