😊Paligsahan sa Pag-Awit: Pinoy Videoke😊

in #pilipinas7 years ago (edited)

PhotoGrid_1504417944713.jpg

Likas sa karamihan ng mga Pilipino ang pagkahilig sa pagkanta. Ang pagkanta sa videoke ay isa sa mga paboritong libangan at marami ang mayroong mga videoke set sa kani-kanilang tahanan. Minsan pa nga ay nag-aarkila pa ng videoke para mas maging masaya ang isang okasyon o pag titipon. Hindi din kaila na maraming beses ng napatunayan ng Pinoy ang galing nito sa pag awit sa iba't ibang mga paligsahan maging lokal man o sa ibang bansa.

Kaya't inaanyayahan kayong sumali sa paligsahan sa pag-awit na ito, videoke style. Ipakita ang inyong galing sa pag vivideoke. Masaya ito kabayan kaya makisali na. 😊😊😊

Ang magiging papremyo ay ang mga sumusunod: 10 SBD para sa unang gantimpala, 6 SBD para sa pangalawang gantimpala at 4 SBD para sa ikatlong gantimpala. At 2 SBD para sa dalawang natatanging lahok (honorable mention)

Pinahahayag ang pasasalamat para kay @luvabi para sa pagbibigay ng 10 SBD bilang bahagi ng papremyo sa paligsahan na ito. Ganundin kay @dreamiely sa pakikiisa sa pagbuo ng konsepto ng paligsahan. Pasasalamat din para kay @immarojas para sa dalawang 2 SBD na papremyo para sa natatanging lahok (honorable mention) 😊

Mga dapat gawin sa pagsali.

  1. Kuhanan ang sarili habang ng vivideoke at gumawa ng post ukol dito. Ang aawitin dapat ay Mga awiting Pinoy o Ingles na OPM (Original Pinoy Music)
  2. I komento dito ang link ng post na lahok.
  3. I Upvote at resteem ang post n ito.

Siguraduhing nasunod ang mga dapat gawin sa pagsali dahil masasayang lamang ang lahok kung mayroong hindi nasunod sa mga ito. Malaya kang gamitin ang ano mang tag na nais sa iyong post. Ngunit hinihikayat na gamitin ang #Pilipinas #artguildph at #steemph para sa Pilipinong komunidad dito sa Steemit.

Hindi kailangang marunong sa kahit anong instrumento dahil kailangan lang na ang kuha ay habang ikaw ay nag vivideoke sa tahanan o sa videoke haus man.

Ang magiging pamantayan sa pagpili ng mga mananalo ay ang mga sumusunod:

  • 45% Para sa galing sa pag-awit.
  • 35% Tama sa tyiempo ang pagkaka awit.
  • 20% Para sa presentasyon ng lahok.

*100 porsiyento 😊😊😊

Ang naging mga hukom ay iaanunsyo kasabay ng pag anunsiyo sa mga mananalo sa paligsahan na ito. Huling pagpapadala ng mga lahok ay hanggang tanghali (12noon) lamang sa darating na Linggo.

Sort:  

2 SBD each for 2 honorable mentions from me so long as i won't be judging ;)

Thanks po @immarojas. Cge edit ko po yung post. :D

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

Pwede sumali @zararina pero takpan ang mukha sa kahihiyan haha.

Wala naman sa criteria na kita ang fez right???

Sge sali ako pag sumali ka haha! I snap chat nalang haha

Oo ba khit nakamaskara pwede :P
Pero sa start pakita muna mukha tpos magsuot ng maskara pag kakanta na para sure n ikaw yun. :P :D

Congrats sa mananalo!

Sali ka na. 5 ang maaring manalo. :D

Sayang masama pakiramdam ko, next na lng ako sasali kung matyempuhan ko :)

Sa Sunday pa naman po yung deadline, magaling na ikaw marahil. :D

Pwede po ba recording sa Smule?

Pwede po basta po sinasabayan yung kanta at rinig yung musika. :)

Okay po. Salamat. Upvoted and resteemed. Magpapasa na lang po ng recording ang kulang :D

Yay! Abangan po namin. :)

Sali na po. :D

Naku naku sasali aq

Bukas punta aq videoki

Yay! Hintayin talaga namin yan. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63527.41
ETH 3109.34
USDT 1.00
SBD 3.86