Mga Isdang Makikita sa Pamilihan ng mga Pinoy

in #pilipinas7 years ago (edited)

PhotoGrid_1504263019157.jpg

Kinuhanan ko ang larawan sa itaas kahapon para isali sa patimpalak sa potograpiya. Nang makita ko ang larawan, naisip kong magsulat tungkol rito. :D

Anu-ano nga ba ang mga klase ng isda na karaniwang makikita sa pamilihan natin? Marahil kung ikaw ang laging naatasan sa pamamalengke, napakadali sa iyo ang magbigay ng mga halimbawa. At kung ikaw naman ang laging naatasang magluto, madami ka ring alam na luto o putahe para nga iba't ibang uri ng isdang nakakain.

Ang mga sumusunod ang ilang mga karaniwang isdang makikita sa mga pamilihan sa Pilipinas.

Dilis: Ito ay maliit na uri ng isda na kulay pilak. Patulis ang anyo at mahuhuli sa tubig alat. Mga halimbawa ng luto ay ukoy na dilis at kinilaw. Ang binilad na dilis ay pwedeng prituhin at isahog sa munggo.

dilis.jpg
Photo source

Tamban: Isdang maraming tinik at makaliskis. Nahuhuli sa mababaw na parte ng karagatan. Uri ng isda na kilala na ginagawang de latang pagkain o sardinas.

tamban.jpg
Photo source

Galunggong: Isdang may mabilog na tyan at isa sa mga pinaka karaniwang makikita sa pamilihan. Mahuhuli sa malapit sa pampang na parte ng dagat. Karaniwang luto rito ay prito at maaari ring gawing tinapa o pinausukang isda.

PhotoGrid_1504360602544.jpg

Bangus: Isdang maaring mahuli sa tubig alat or tabang. Medyo matinik na uri ng isda at isa sa mga simbolo ng bansa. Sikat na lutin gamit ito ay ang sinigang na bangus. Pwede ding gawing dinaing na bangus o kaya ay tinapa.

bangus.jpg
Photo source

Tilapia: Isdang mas malalaki ang tinik/buto kung ikukumpara sa ibang isdang nakakain. Karaniwang isdang pinaparami sa mga lawa o tubig tabang, maaaring mamuhay din sa tubig alat. Madalas na luto ay prito. Masarap din ang lutong may gata dito at paksiw.

tilapia.jpg
Photo source

Dalagang Bukid: Uri ng isda na malaman at may kulay na mapula pula. Malinamnam ang lasa na karaniwan ding ipiniprito o lutong sweet and sour.

dalagang bukid.JPG
Photo source

Alumahan: Isdang nahuhuli sa tubig alat sa mga baybaying dagat. Hindi makaliskis at karaniwang luto ay prito at paksiw.

alumahan.jpg
Photo source

Tambakol: Ito ay isang uri ng tuna na nakakain. Karaniwang nahuhuli sa malalalim na parte ng dagat. Ginagawa ding de lata ang isdang ito. Masarap na iluto sa gata o kahit na iprito lamang.

tambakol.jpg
Photo source

Lapu-Lapu: Isdang karaniwang nahuhuli sa malalim na parte ng karagatan. May kulay na mapula pula at may maliit na bibig. Ilang putahe gamit and isdang ito ay escabeche at sweet and sour.

lapulapu.jpg
Photo source

Sort:  

Magaling na artikulo ito. Nakakagutom.

Salamat po. :)

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

I love fish! Made me hungry at 4 am @zararina lol. I guess I'm going to cook paksiw na bangus later today ;)

Wow sarap nyang paksiw na bangus. :D

Pag kalami! Sarap naman nyan. Gusto ko tuloy kumain ng bulad tapos sawsaw sa vinegar or suka yung stress nasa a hahaha tapis kanin! Yum! Orrrrr bulad pares sa champorado.

Hehe cge kain lang po. :D

Gusto ko ng isda!

Bili na po. :D

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

Wow... Nakakagutom basahin!

Tignan na lang wag na basahin :D :P

Congratulations @zararina! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Masarap sa sinigang ang lapu-lapu!

Nice. Mukhang fave mo yan ah. :)

Wala bang luto na ate @zararina? Haha :)

Yung dilis sa taas pwede na. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69500.15
ETH 3394.50
USDT 1.00
SBD 2.75