Sana|| Isang Maiksing Tula

in #pilipinas6 years ago

Since sinuggest ni @leahlei ang midnights with @tpkidkai ito ang pasample ko

Ayan meron akong maiksing tula na ginawa

Sana sa bawat pagising ko sa umaga ikaw ang unang nakikita.

Sana sa tuwing bababa ako sa hagdan maririnig ko ang katagang
ang almusal ay handa na at kakain na.

Sana naasikaso mo si bunso at napaliguan para handa na siya sa eskwela.

Sana rin ay maihatid mo siya sa oras at masundo
habang ako ay abala sa aking trabaho at nang may makain tayo sa ating plato.

Sana talaga...

Sana nagawa mo sya kasi

Sayang ang binabayad kong pera sa iyo.

Kaya kita kinuha para maging katulong hindi para maging donya.

Ito ang munting recording pagpasensyahan nyo ang tunog ng FB messenger at Discord hahahah tsaka naulan din kanina.

Sort:  

Akala ko sweet hindi pala hehe😂😂😂

Hahah inisip ko kung sweet ba talaga kaso sobrang daming sweet nang tula. So dapat medyo light lang tayo hahaha

😂😂😂nadale ka ni nanny... akala ko asukal pero suka pala... 😂😂😂

Hahaha grabe naman kasi si Inday eh. Nagbuhay donya

Kulang daw kasi sahod nia😂😂😂

kahit siya na talaga ang umuubos ng shampoo at conditioner. Isama mo pa ang gatas sa ref hahahhaha grabe hugot na hugot.

Hahaha real experience ba ito? Lakas po ng hugot!!! Isama mo na rin delata at biscuits para full package pati juice😂😂🤗

hahaha.. akala ko tipong pang love life.. hahah

hahahah akala ko din nung una habang nag-uumpisa ako. Pero naisip ko parang mas okay na gawing comedy ang ending.

infernes natawa ako @tpkidkai haha kaloka ka..

Hehe salamat at natuwa ka munti kong gawa more to come! Hahahah

Hahahaha mejo kainis lang.nagexpect ako ha.

hahahah ganun talaga @luvabi naubusan ako ng flowery words nung nagsusulat ako. Tapos naisip ko ay gawin ko nalang comedy hahahah

Maraming salamat @tpkidkai natuwa nmn ako!
Sabi ko nmn sau db pdeng pde pang radio station ang ideas mo👏👏👏🎉🎉🎉 Hanggang sa susunod na ...

MIDNIGHTS WITH @tpkidkai!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.13
JST 0.031
BTC 61553.99
ETH 2881.27
USDT 1.00
SBD 3.54