Para sa Pera Ikalawang Bahagi
"Par swapang talaga yung matandang iyon! Kahit kumikita naman sasabihin nalulugi" bulalas ni Wilmer
"Hayaan mo na par, magpasalamat nalang tayo at meron tayong trabaho at may pera tayong maiuuwi, di naman hamak na mas maayos ito kesa sa dati nating ginagawa diba." ang malumanay na wika ni Lawrence na tila ba kinokonsensya nya ang binata na dapat ay ayusin nya ang ugali nya.
"Oo na par baka maging historical ka na naman diyan at ibalik mo pa ang mga nakaraan. Buti nalang talaga at hindi tayo nahuli ng mga parak"
"Kitams! sabi ko sa iyo eh. Kaya umuwi na tayo, nga pala dun kana sa bahay maghapunan may munting salu-salo at birthday ng inaanak mo ngayon"
"Sige par! Teka magpapainom ka ba?"
"Haha di na, kita mo ngang wala tayong sahod masyado magpapainom pa."
"O sya ako nalang ang sasagot sa toma!"
Masayang naglakad ang magkumpare pauwi sa bahay ni Lawrence, doon makikita ang kaniyang misis na si Rona. Isang matamis na ngiti ang kaniyang isinalubong sa magkaibigan at agad nilapitan si Lawrence para bigyan ng halik.
Isang tipikal na maybahay si Rona, nakadaster at medyo magulo ang ayos ng buhok. Gabi na ngunit parang amoy araw parin dahil sa dami ng trabahong ginawa sa bahay. Isama mo pa ang pag-aasikaso sa kanilang anak na si Butchoy na may sakit na hydrocephalus
Hirap sa buhay ang mag-asawa, paglalabada ang naging kabuhayan ni Rona dahil sa hindi siya nakapagtapos ng elementarya, ngunit may angking ganda siya na talaga namang nakakabighani noong kabataan pa niya at wala pa siyang asawa.
Pumipila ang mga manliligaw niya upang ipag-igib sya ng tubig at magsampay ng kaniyang nalabhan. Kahit ang mga may kaya niyang amo ay lagi siyang nakukumbida na kunin bilang labandera, kahit na may washing machine naman sila upang masilayan lang ang kaniyang ganda. (Minsan iba-iba din talaga ang trip ng mga mayayaman kung ibinibigay nalang nila ang pera sa dalaga noon at inaya makipag date edi tapos na ang laban.)
Ngunit pinili ni Rona si Lawrence sa lahat ng kaniyang mga taga-igib dahil sa isang simpleng bagay maliban sa pag-ibig. Marunong mag kula ang binata at gumagamit din siya ng palo-palo sa paglalaba.
Si Lawrence naman ay isang simpleng binata lamang, makisig, maamo ang mukha at maayos pumorma. Hindi mo aakalain na walang sinabi sa buhay. Tulad ni Rona, hindi rin nakatapos ng pag-aaraal si Lawrence ngunit lagi syang mapera dahil sa miyembro siya ng isang sikat na grupo ng mga snatcher sa divisoria. Kahit kailan ay hindi pa siya nakukulong dahil sa tuwing mahuhuli sya ay mas kinaaawaan pa siya ng madla dahil narin sa mala anghel niyang mukha.
Ang haba ng pa flashback bago ang halik ano? Ganun talaga kasi hindi matutuloy
Maririnig ang malakas na iyak ni Butchoy, agad tatakbo si Rona para puntahan ang kaniyang anak at makakalimutang bigyan na ng halik ang binata.
"Sayang yun par! Kissing scene na sana!" pagbibiro ni Wilmer
"Oo nga par naudlot pa. Hayaan mo mamaya mas umaatikabo pa ang magaganap" sagot niya.
Pagpasok ng dalawa sa bahay, ay makikita agad si Rona na tinatapik-tapik ang kaniyang anak para tumahan kinakantahan nya din ito ng mga kanta gaya ng "Paalam Na" ni Rachel Alejandro
Pagkatahan ng bata ay inasikaso naman niya ang bisita, ipinagsandok ng pansit at kanin. Binasag ang iyelo sa pader, sa pamamagitan ng paghampas nito at inilagay sa luma nilang pitsel. Habang hinahampas niya ang yelo sa pader nakangiti siya sa dalawa na parang may ibig sabihin.
Ayan medyo maayos na ito kumpara dun sa una. Hahaha medyo sabawan parin itong akdang ito. Character building parin pero siguro may idea na kayo kung bakit para sa pera ang title ng akda.
Ang kwentong ito ay mula muli sa malikot na pag-iisip ni @tpkidkai at anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang.
Hanga talaga ako sayo @tpkidkai, you're very consistent in writing short stories. Idol! :)
Pano pumili ng jowa:
Hahaha natawa talaga ko. Kumusta nmn kaya si Mr. Krabbs sa mga susunod na kabanata? Hmmm..
Hahah nako salamat @leahlei, actually mas ganado akong magsulat ngayon dahil ang dami na ding writers ng short stories dito sa steemit.
Si Mr. Krabbs babalik pa sya sympre naman, character building muna ako tapos nito as usual may mga drama-drama na naman.
Super Boost Your Post To Sky
Cheap resteem service you will ever get.
ORDER NOW CLICK HERE
Hey, just wanted to let you know I gave you an upvote because I appreciate your content! =D See you around
@greentomorrow: You forgot to upvote @tpkidkai. A quick look at your comments shows that you've 'forgotten' to upvote a post every 30 seconds for at least the past 9 hours.
Flagged for trying to scam upvotes and for comment spam.
@steemflagrewards
Steem Flag Rewards mention comment has been approved! Thank you for reporting this abuse,@samueldouglas categorized as comment spam. This post was submitted via our Discord Community channel. Check us out on the following link!
SFR Discord