Ang Paglalakbay sa Dako Paroon ng Batang Hindi na Bata @tpkidkai

in #pilipinas6 years ago

Habang nag-iisip ng huling bahagi sa umaatikabong eksena sa Para sa Pera na serye napa tingin ako sa aking bintana. Na madalas kong ginagawa kapag nag-iisip.

Makagala kaya! Este makasama kaya sa ginagawang pag gagala nila @shikika atbp. mukhang masaya naman sya kaya GG na.

Ayun na nga hindi ito isang kwento bagkus isa itong munting pagbabahagi mula sa akin at sympre sa aking lugar din. Ako po ay nagmula sa isang maliit na baranggay na kung tawagin ay Malaban sa bayan ng Binan, lalawigan ng Laguna. Habang sinusulat ko to napaisip ako, ano kaya ang unique sa lugar namin na pwedeng ipagmalaki maliban sa mga video karera, tokhang at baha na mas matagal pa sa lovelife ng ibang millenials Ayun ang aming munting barranggay ay sikat noon sa larangan ng pag gawa ng sapatos at tsinelas.

Natatandaan ko noong bata pa ako na napakaraming pagawaan sa bawat balkunahe ng bahay ng sapatos at tsinelas .

Ang aking pamilya ay mayroon parin namang munting pagawaan ng tsinelas dahil ang sapatos ay hindi na ganun ka gamit ng mga tao isama mo pa ang pagpasok ng kalakal ng Instik na mas mura.


"Maglalapat" ang tawag sa mga lalaking gumagawa ng sapatos/tsinelas at "magrerebete" naman ang tawag sa babae. Noong kapanahunan daw nila tatay, obligado kang matuto ng ganitong larangan dahil sa ito ang pinaka pinagkukunan ng kabuhayan, kahit di ka nakatapos ng pag-aaral ay ayos lang. May lingguhan kang sahod mula sa manager mo sa iyong pag gawa. Pwede din sympreng bumale pag kailangang-kailangan na. Noon, magkaka kilala ang mga lumang-tao sa aming lugar ngunit dahil narin sa pag-usbong ng komersyo ay dinayo na din ng mga taga ibang bayan na nagdagdag kulay sa amin munting lugar.

Pag naglakad ka ng kaunti mula sa aming bahay ay mararating mo ang Laguna de Bay. Wala na akong kinuhang larawan dahil sa sobrang tagal na nung huli akong nagpunta doon siguro mga 10 taon na. Haha malapit lang pero wala namang magandang pupuntahan doon, maliban sa medyo maduming dagat at maraming fish pen.



Gayumpaman gusto ko ang lugar namin wag lang talaga umulan, dahil kapag umuulan ay agad kaming binabaha. Noong nakaraang taon Habagat ata iyon mga bandang buwan ng Hulyo nagkaroon ng malakas na ulan at inabot ito ng Pebrero 2018 bago humupa. Masyado nang bugbog ang lugar ko sa reklamo. Kaya't lilipat na tayo para naman maganda ang magalaan natin.

Sasakay tayo ng traysikel para marating ang bayan ng Binan.


Gaya ng mga pangkaraniwang bayan sa Laguna meron din kaming bantayog ni Dr. Jose Rizal. Isa sa mga palatandaan daw na nasa Laguna ka ay kung may makikita kang monumento ni Rizal sa mga plaza hindi ko alam kung totoo pero palagay ko naman ay Oo dahil sa mga bayan na napuntahan ko gaya ng Sta. Rosa, San Pedro, Calamba at San Pablo ay mayroon silang monumento talaga. Ang ulo ng monumento ng aming bayan ay hindi na ang orihinal na monumento dahil noong 2015 sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinamaan ito ng kidlat at dahil doon ay napugot ang kaniyang ulo.

Sinasabi ng iba na ito daw ay simbolismo na kahit daw si Rizal ay nawalan na ng pag-asa sa mga kabataan. Pero sympre alam naman natin na ito ay nagkataon lamang talaga.

Nakakagutom ano po at nakakauhaw ano po? Wag kang mag-alala di ko naman kayo gugutumin ang aming bayan ay may sikat din namang kakanin sa tanging sa aming bayan lang matagapuan ito ay ang Puto Binan


Masarap itong kainin bilang almusal at merienda at may pagkakataon kang mamili kung ito ba ay Espesyal o With Cheese. Ang Espesyal gaya ng ibang mga pagkain ay may Itlog na Pula na laman, madalas ganun ano bakit nga kaya? Kapag may pagkakataon at nakakabili nito ipinapartner ko ito sa mainit na kape. Kailangan mo nga rin pala itong ubusin kaagad dahil sa mabilis itong mapanis, mga 3 araw lang siguro kung ilalagay sa pridyider. Kaya't kapag bumili ka masisiguro mo na ito ay bagong luto at mainit init pa.

Dahil sa mainit ang panahon ngayon sympre kailangan din nating magtampisaw ng kaunti. Kung ang bayan ng Los Banos ay may mga hotspring dito naman sa Binan ay mayroong Splash Island!
Sikat ito lalo na sa mga turista at nagbabaksayon dahil sa kaniyang mga rides at pakulo. Kung pupunta kayo dito ay hindi narin kailangang magdala ng pagkain dahil sa mayroon silang mga kainan na dito ang halaga ay nag-iiba din pero ayon sa kanilang website ito ang presyo kapag walang deal vouchers.

Para sa munting video narito ang isang 5 minutes na youtube clip.

Tingin ko ay ayos na ito para sa pag gagala kaya't kailangan na nating magpahinga. Sa susunod na gala siguro isama ko kayo sa mga planta ng electronics dito o kaya sa Gardenia at sa lumang malls.

Sort:  

@tpkidkai ang ganda ng iyong pamagat Batang Hindi na Bata. Hahaha
Nakakalungkot talagang isipin na ang ating nakagisnan ay unti unti ng nasisira at nawawala dahil sa komersyalismo. Sana lang kahit umuunlad ang ating bansa hindi abusuhin ang ating Inang Kalikasan at Inang Bayan. Kahit halos nawala na ang ganda ng bayang atin pinagmulan sariwang-sariwa pa rin sa ating mga isipan ang mga alaala sa magandang bayan na ating nakagisnan. 😀
Marami ka rin pa lang mga alaalang maganda sa iyong pinagmulan. Meron pala kayo pagawaan ng sapatos at tsinelas. 😀 Kasama pala kayo noon sa mga maharlikang pamilya. 😀
Karamihan pala sa mga gawa ngayon ng kapwa natin pilipino ay halos di na pansin dahil sa dami nagsulputan na inaangkat ng ating bansa. Hindi na nabibigyan halaga ang magandang gawa ng mga Pilipino.
Salamat @tpkidkai kami iyong dinala sa iyong kabataan at sa kasalukuyan. 😀 Salamat sa pagpasyal sa amin sa iyong mahal na bayang Biñan, Laguna. Ang iyong pinagmulan ay pinagmulan din ni Rizal. 😀
Sobrang nakakatakan ang Puto Biñan. 😀 Gusto ko ng meron cheese para cheesy. Hahaha
Tamang tama ang magtampisaw sa splash island ngayong tag-init. 😀 Ikaw na bahala sa aming kakainin @tpkidkai. Di kami dapat magutom kami ang mga #steemitdora d explorer na walang pera. Nyahahaha

Hahahaha salamat @shikika oo yun talaga ang nagdala ang pamagat Batang Hindi na Bata gawa kasi ng username ko may "kid"

Medyo madami pa namang magagandang lugar at pasyalan dito sa amin, sayang lang at hindi rin ako ka gala at madalas ay nasa bahay lang . Salamat sa pa-anyaya dun sa server ni Toto nyahahahah nagka idea ako ng i po post. Kahit sabawan ito sobrang appreciated ko ang iyong komento. Yung Puto Binan sa amin lang meron nyan meron pang mga crispy okoy, puto pao atbp na pwedeng pagpilian.
Sa susunod kong pag gala isama ko talaga kayo sa iba pang mga pasyalan at establishimyento dito para naman mas mawili kayo. Pero sympre pag tag-araw lang kasi bahain talaga hahaha. Yung maharlikang pamilya gusto ko yan nyahahaha.

Hahaha. Walang anuman @tpkikai. Yun nga rin naisip ko dahil sa username mo. Hahaha. Lubos akong natutuwa sa paglalakbay sa bayan mo. Antayin namin un ibang pagkain ipinagmamalaki ng Biñan. Hahaha. Ibig sabihin niyan, kasama pamilya mo sa mga maharlika noon? Astig pala pamilya mo. Kami noong unang panahon ang pamilya namin ay kasama sa mga aliping sagigilid. Hahaha

You got a 1.22% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64008.01
ETH 3308.26
USDT 1.00
SBD 3.93