NBA sa Pinas - ECF BOS(2) vs CLE(1) Game 4. 50% of SBD rewards ang mapapalanonan. Wag i-edit ang hula!

in #pilipinas6 years ago

images (4).jpeg

Game 4 at Quicken Loans Arena, 8:30AM Phil Standard Time

Expected na kasi na mananalo ang Cleveland sa Game 3 kaya di masyadong nakakapanabik anh laban. Pero paano kaya ang gagawing paghahanda at adjustments ng Boston sa Game 4 bukas? Antabayanan ang kapanapanabik na laro ng Cavaliers kontra Celtics sa NBA sa Pinas

NBA sa Pinas!

Ito ay bagong paligsahan na ginawa para sa mga Pilipinong mahilig sa basketbol o sa mga mahilig lang pumusta at manalo nito. Naglalayun din itong mabigyan ng kakaibang paraan ang mga pinoy na ma-enjoy ang panonood ng NBA. Paraan din ito para sila ay makatanggap ng gantimpala maliban sa gantimpalang natatanggap nila sa ibang paligsahan o contests.

Paano Manalo?

Hulaan lamang ang mananalong kupunan at ang kabuohang puntos ng dalawang magkalabang kupunan na hindi lumalagpas sa tamang kabuohang puntos ng dalawang magkalabang kupunan. Ang pinaka malapit na kabuohang puntos sa tamang kabuohang puntos AT ang tamang hula sa mananalong kupunan ay siyang steemian na mananalo sa paligsahang ito.

Paano Sumali? (Sunding Mabuti)

  • Una ay, i-resteem ang post na ito. Para maraming kababayan ang makakaalam na may ganitong paligsahan.

  • I-komento ang inyung hula sa ganitong format, Halimbawa:

Mananalong Kupunan: WAS
Kabuohang Puntos: 222

Mga Bagay na Tatandaan(Basahing Mabuti)

Mag komento lamang ng isang hula at wag ibahin ang unang hula lalo na kung malapit na matapos ang laro ng dalawang magkalabang kupunan.

Ang mag-iiba ng kanilang komento kahit maaga pa niya itong inedit ay hindi ko tatanggapin. Ito ay paraan para maging patas ang lahat. Siguraduhin ang hula mo sa unang komento mo at wag ng ibahin!

Ang bawat post ng magakalabang kupunan ay mai-popost ko isang araw bago gaganapin ang laro at matatapos ang oras ng paghula isang oras bago gaganapin ang laro. Halimbawa:

Kung ang laro ng WAS at TOR ay gaganapin sa Martes ng umaga 7AM(Philippine Time), sa gabi ng Lunes ko maipopost ang laro para sa inyo. At hanggang 6AM ng umaga sa Martes nalang pupwedeng magkomento ng hula.

Ang mga komentong ilalagay na lagpas sa oras ay hindi tatanggapin. Mano-mano kong isusulat ang mga komentong balido isang oras bago ang laro.

Gantimpala - 50% of SBD REWARDS

Pagkatapos ng laro ay magkukomento ako sa nanalong hula. At makukuha ng nanalong steemian ang gantimpala sa oras ng payout of rewards sa post na ito Kung nagkataon na higit sa isa ang mananalong steemian, ay maghahati sila sa 50% o kalahati ng SBD na gantimpala.

Wag kalimutang i-follow ako para mauuna ka sa paghula sa larong ito!

Image Src

Sort:  

Mananalong Kupunan: BOS
Kabuohang Puntos: 202

mananalong kupunan: Celtics
kabuohang puntos: 110

Mananalong Kupunan: BOS
Kabuohang Puntos: 212

Mananalong Kupunan: BOS
Kabuohang Puntos: 198

Mananalong Kupunan: CLE
Kabuohang Puntos: 219

Mananalong Kupunan: CLE
Kabuohang Puntos: 210

Mananalong Kupunan: CLE
Kabuohang Puntos: 217

Mananalong Kupunan: BOS
Kabuohang Puntos: 200

Mananalong Kupunan: BOS
Kabuohang Puntos: 197

Mananalong Kupunan: CLE
Kabuohang Puntos: 208

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64400.33
ETH 3140.71
USDT 1.00
SBD 3.93