Paglalakbay Sa Dako Pa Roon: Ang Bangus Festival Sa Lungsod Ng Dagupan

in #pilipinas6 years ago

Dahil sa paanyaya ng aking mga kaibigan na sina @shikika,@sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica at @akoaypilipina na sumama sa kanilang paglalakbay sa dako pa roon ako ay sumama. Ngunit bago kami magtungo sa kanilang parororonan doon sa dako pa roon akin muna silang inanyayahan sa aming bayan.


source

Ako ay tubong Pangasinan at ipinanganak ako sa lungsod ng Dagupan. Tamang-tama ang pagyakag ko sa kanila dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ngayong ng aming lungsod ang Bangus Festival.

Ang Bangus festival ay kauna-unahang ipinagdiwang noong taong 2002 sa pangunguna ng alkalde noon na si Benjamin Lim sa layuning pasiglahin at makilala pa lalo ang bangus na syang pangunahing prodkto ng lungsod at ng mga karatig-bayan.

Ngayong taon ang Bangus Festival ay nagsimula noong ika-3 ng Abril at magtatapos sa ika-5 ng Mayo. Tuwing Bangus Festival meron kaming tinatawag na Gilon-Gilon Ed Baley na syang katumbas ng street dancing. Masaya ang bawat kalahok. Magagaling sila at masisigla ang galaw. Napakakulay din ng kanilang mga kasuotan.


source


source

At ang pinakamasaya sa lahat ay ang Kalutan Ed Dalan. Ito ung "longest grill ng bangus" na minsan ding napabilang sa Guinness World of Record. Napakasaya nito dahil libu-libong bangus ang iihawin at pagkatapos ay pagsasaluhan ng lahat. Kung sa Villasis na bayan ni @akoaypilipina ay may naiuwi ang aking mga kaibigan na inihaw na talong at Pinakbet, dito sa aming lungsod ay siguradong may bibiibitin din silang napakasarap at napakalasang inihaw na bangus!

source


source

Pagkatapos ay tumuloy kami sa dagat ng Tondaligan upang maligo dahil nangamoy usok na kaming lahat. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa sentro ng lungsod. Napakaganda rin ng dagat at tanawin doon. Marami pang karatig-dagat ang Tondaligan kabilang dito ang Gulpo ng Lingayen at dagat ng San Fabian.


source

Pagkatapos naming maligo sa dagat ay sumama na ako sa kanilang paglalakbay sa dako pa roon. Baka gusto mo ring sumama sa amin kaibigan. Tayo na at sama-sama tayong maglakbay pa sa dako pa roon.


Nagpapasalamat ako sa kaibigan kung sina @shikika sampu ng kanyang mga kaibigan na sina @sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica at @akoaypilipina sa pag-aanyaya sa akin sa kanilang paglalakbay sa dako pa roon.

Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group #Steemitdiversify and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @jerrybanfield, @darthnava, @paradise-found, @geetharao, @stephenkendal and @richq11; they also have supported us. Thank you very much.

Sort:  

Wow, maraming salamat @taminites sa pagpasyal mo sa amin sa iyong mahal na bayan. Napakaganda at napakayaman ng inyong lugar.

Ang saya ng ating paglalakbay @lunamystica. Hehehe

Wala pong anuman.. Sana ay nabusog kayo sa inihaw na bangus hehehe...

Ang layo na nang narating ng pag gagala ni ate @shikika andaming recruit!

Salamat po @taminites sa pagsama sa Pangasinan at mga mga mumunting impormasyon ukol sa bayan. Sana sa susunod mong pagsama magdala ka din ng boneless bangus para naman di magutom ang mga taga lakbay 😋 😋

Ang layo na nang narating ng pag gagala ni ate @shikika andaming recruit!



Hahaha. @tagalogtrail marami po kaming nakakasalubong sa aming paglalakbay na gustong sumama kaya pinapasama na namin. Hahahaha
Halika! Sumama ka na rin sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀

Ate Shikika busy pa po kami eh. Hahaha pag marami na kaming oras ni Junjun sasama na kami.

Hahaha. Sige @tagalogtrail malayu layo pa naman lalakbayin namin. Heheheh

ay @tagalogtrail kumain na po kami ng inihaw na bangus bago umalis hehe..sama ka rin po sa amin para may magdala ng pagkain na ating kakainin hehe

Sasama po ako pero ako ang taga-ubos ng pagkain hahaha

Salamat sayu @taminites at dinala mo kami sa paglalakbay at napakagandang lugar naman nito ..😀👍at talagang masaya kami sa pag lalakbay sa dako pa roon kasama ka.hahhahah😀

Hahahaha. Salamat @yennarido at ika'y lubos na maligaya sa atin paglalakbay. 😀

salamat @yennarido at nagustuhan mo ang ating paglalakbay sa aming lugar..Teka , nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo...ang layo na ng narating mo hehe

Wag kang mag alala supportive yung parents ko......hahahhaha😀😀👍

Galila, Gilon gilon la. Masanting ya pakabat ed Bangus festival kabaleyan. Taga callejon kmi, asinger ed LC.

Ay e.. Ja kami ed salisay met.. Maong kau ta asinger kau ed baley @sherylneil:)

On. Balet ag kmi labman mana ayam abayag la. Diman so pule mi. Mana ayam kmi lad san fabian. Salamat

@taminites salamat at iyong pinaunlakan ang aking paanyaya. Salamat dahil sinamahan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀 Napakasaya ng ating paglalakabay. Napakulay at nakakabusog sa sobrang dami at laki ng ating pambansang isdang bangus. Nakakatuwa at aming ipinagmamalaki na napasama sa Guinness World of Record. Nasaksihan na namin ang napakasayang festival at aming nakita ang napakagandang dagat Tondaligan. Ang sarap sarap magtampisaw sa malinis at malamig nitong tubig. 😀 Salamat at dinala mo kami sa Dagupan patungo sa dako pa roon. 😀💖
Napakasaya ng paglalakbay. 😀😀😀

maraming salamat din at ako ay iyong inanyayahan at nagustuhan nyo ang bayan namin @shikika pero ipagpaumanhin mo kung hindi kaagad ako nakatugon sapagkat ako ay naging abala sa paghahanda para sa ating masayang paglalakbay. Nakalimutan ko palang banggitin na ito ang pambansang isda natin wahahah Salamat sa pagpapaalala kaibigan..tumatanda na ngang talaga ang tao.hehe

Wahahaha. Wag po pahalata na tayo'y tumatanda na. Hahaha.
Paborito ko kaya ang atin pambansang isda. Milky fish kasi. Hahaha
Salamat sa paghahandang iyong ginawa. Hahaha. At tayo'y magpatuloy sa ating paglalakay. Meron na rin si @ellechim0816 saka @reginecruz. Ang dami na #steemitdora. Hahaha.

You got a 1.44% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Your self votes will be countered by @sadkitten for 1 week starting Sunday, April 29th 2018, 6:59 because your account is one of the highest self voters. For more details see this post.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63658.03
ETH 3299.99
USDT 1.00
SBD 3.90