Ikalabing Limang Edisyon ni Tagalog Trail
Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.
Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.
Ang lahat na mai fi feature sa post ko po ay makakatanggap ng SBD rewards mula sa akin. Dibale 50% ng SBD reward ay ipapamahagi sa lahat ng napasama dito. Hindi naman ganun kalaki ang pa SBD ko dito heheh kaya't ayos lang swerte nang umabot ng 2 cents.
Literaturang Filipino : "ROOM 317 10:38 P.M." ni @thonnavares
"T-t-tama na..." paulit-ulit niyang sambit. Kahit hinang-hina na, patuloy siyang nagmakaawa. "Utang na loob… tama na…" Isa, dalawa, tatlo... hindi na niya nabilang kung ilang ulit iyon ginawa sa kanya. Wala na siyang lakas ngunit patuloy siyang nagpumiglas. Napasulyap siya sa relong bilog na nasa dingding. 10:38 PM. "Anton..."
Una kong napansin sa pangalan ng mga karakter ay mala FPJ's Probinsyano. Tapos habang unti-unti ko syang binabasa ng buo doon mo ma re realize na oo nga mukhang tama nga ako. May detectives at iba pang karakter pero sympre may mahika din kasi ayun ang tema ng patimpalak ngayon ng @steemph.cebu
Literaturang Filipino: Ang Mahika ng Pag-ibig ni @jenel
Isang gabi, may isang lalaki na ang pangalan ay Fidel. Si Fidel ay nasa ika apat na taon sa high school at labing anim na ang gulang. Nakatambay siya sa kanilang bintana na nakatingin sa langit na puno ng bituin. Mayamaya, pumasok ang kanyang inay.
Isa lang ang masasabi ko huwag mo muna syang iclose pagkatapos mong basahin ang unang pangungusap. Malilito ka sa una kung bakit may mga date ang ibang parte pero sa huli mapagtatagpi-tagpi ang lahat. Yung plot twist talaga ang nagdala dito. May mahika ba? Hmm meron din naman pero hindi ganun ka mahiwaga para sa akin.
Tulang Filipino - "Tsokolate" ni @racheleecious
Ang tsokolate ay kay sarap papakin
Pero hinay lang baka masira ang ngipin
Baka mabutas at tuluyang mangitim
Kaya pagkatapos kumain, agad sipilyuhin
Isang matamis na tula patungkol sa tsokolate, para sa mahihilig sa tsokolate.
Sa Likod ng Linggo ng Muling Pagkabuhay (poem#16, My 30days poetry challenge ni @beyonddisability
Ang pagka-Diyos lang naman Niya ang Kanyang iniwan
Nagkatawang tao upang tayo ay magkamit ng kaligtasan
Nakipamuhay upang tayo ay maunawaan
Kay ang ating mga hirap Kanyang nararamdaman
Isang mapagpalang Linggo ng Pagkabuhay para sa ating lahat.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito at pwede din nyo po akong tawagin pag may nakita kayong post na tagalog. Nagana na si Ginabot sa akin kaya makikita ko po agad.
Mayroon na pong FB Page si Toto! kaya't kung may oras kayong bisitahin ang aking FB Page at basahin ang ibang likha ng mga Pinoy dito sa steemit pwedeng-pwede po! Wala po akong discord kaya kung may message kayo pwede din sa FB Page nalang.
https://www.facebook.com/tagalogtrail/
Pwede nyo po iyan ilike at i-share na din sa inyong FB account para mas maraming makabasa ng inyong mga likha.
Kay sarap basahin ang mga likhang gamit ay sariling wika natin. Kaya ako'y nagagalak sa uri ng atensyon na ibinibigay mo sa mga manunulat nating Pinoy, kaya ako'y isang tagasubaybay mo at nagparehistro bilang tagasunod ng iyong mga ibinoboto.
Yun napansin ko po sya nung nakaraang araw @ortorres1123. Salamat sa pag-follow ng trail ko po.
Sobra talaga akong nanghihinayang sa mga likha dito sa steemit na hindi napapansin kasi iba ang wika na gamit. Pag mas lumakas pa ang account na ito mas marami pa tayong mabibigyan ng atensyon at rewards pero sa ngayon. Paunti-unti muna hehehe. Yung mga gawa nyo po gusto ko din pero ang naisip ko gawing halinhinan para ma feature ang iba pang nag-susulat din ng Tagalog.
Mabuhay ang lahat! Hindi pa ulit ako nakakapagsulat. Hehe
Okay lang yan ang mahalaga makagawa ka sa contest!
Hahaha ito na nakagawa na ko pero maliban sa papremyo mas nais kong maibahagi itong talento na meron ako. Hehehe
Congrats mga kapatid.
Salamat @fherdz! Dumadami na tayong mga nagsusulat ng Tagalog. May na scout akong singer din English nga lang ang kanta nya pero sabi nya may Tagalog songs at Bisaya din.
magandang balita yan. @tagalogtrail, encourage ko din mga kasama ko na mag tagalog din paminsan minsan. baka kc makalimutan na nila wikang tag. hehehe
Hahaha sige po maganda po iyan. Salamat sa suporta kung marunong lang akong mag bisaya nako may naidagdag nadin ako siguro sa daily post for curation.
Matutulungan kita ng magbisaya kasi cebuano po ako hehe @tagalogtrail
Nako salamat @jenel! kung may makita kang post na maganda at nasa bisaya.
Kahit isa lang okay na yun bawat araw. Pa tag ako para masama ko sa daily curation. Thank you muna ang bayad ha. Wala pa tayong budget sa ngayon eh.
Okay lang hahahaha gusto ko din makatulong sayo at sa iba gaya ng kabutihang ginawa mo sa akin. @tagalogtrail
Nako @jenel pagpalain ka ni Papa Jesus at sa mga kakulitan ko din dito. Napakalaking tulong niyan para sa akin.
Dahil dyan may ice candy ka pili ka nalang hahaha