Ika Apatnapu't Limang Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

kahit maputi na ang buhok ko ni @sheilamae

Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago

Dahil sa bihira lang akong maka kita ng nakanta ng Tagalog sa steemit sympre kailangan i push natin yan heheh, Maganda po ang boses ni Ate kaya GG parin sana mas marami pang kanta akong marinig para good vibes din.


Mga Opinyon ni @zephalexia sa Eleksiyon at Politika sa Pilipinas ni @zephalexia

na kung ang pagbabago ay sisimulan naten sa ating mga sarili , anupat magdudulot ito ng pagunlad at kaginhawaan para sa lahat

Ang kaniyang tinuran ay tama, mas bigyang pansin natin kung paano natin mapapaunlad ang ating sarili. Hindi laging ang pagpuna sa kamalian ng iba ang ating isipin bagkus tignan natin kung paano ba tayo magiging produktibo at mas may maidudulot pa sa ating kapwa tao. Mapa politika man o hindi.

Mga Munting Patalastas (Hindi bayad sana isponsoran nila sa hinaharap kahit potato chips lang)

Takipsilim: Pinoy Game Dev Adventure Starts Here

Opo English po ang post na ito ngunit ito ay pumukaw sa aking atensyon dahil sa mga nabanggit ni suhulan po kami ni pinunong @tpkidkai na i share ito kapalit ang isang buwang supply ng potato chips at ube halaya para kay Junjun. Pero pwera biro isa itong medyo magiging malaking proyekto sa hinaharap kung magtatagumpay man dahil sa ito ay isang laro na gagawin sa discord muna pagkatapos ay gagawing mala computer games. Gamit ang mababangis na drawings nila @adamada at @kothy.

Open parin po ang aming patimpalak para sa aming Opisyal na Logo at Abatar ni Junjun kaya sana sumali din sila dito.


TagalogTrail: Kwentong Nanay Isang Patimpalak na Alay sa ating mga Inay

Dahil sa mahal namin ang mga awtor sympre dapat ang mga nanay din. Kaya't kung may kwento ka na nagpapakita ng iyong pagmamahal sa iyong inay sumali na sa #kwentongnanay na patimpalak namin at baka ikaw na ang manalo ng mga sumusunod

  • 2.5 SBD mula sa tagalog trail
  • Bag na Secosana na may halagang 500 pesos o higit pa ( Hindi namin sila sponsor nataon lang na ito ang malapit na mabibilhan namin ng regalo isama pa na ito ay gawang Pinoy)
  • At ang iyong entry na kwento ay aming ipapa print at ila-laminate para kasama siya sa iyong package na aming ipapadala sa inyong address.

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Muli maraming salamat po sa pagtangkilik sa wikang Tagalog at isang mapagpalang araw po.

Sort:  

Congrats sa mga Kabayan.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63841.10
ETH 3299.71
USDT 1.00
SBD 3.92