Umuulan Na Naman -Tumingala Ka Sa Langit

in #pilipinas6 years ago (edited)

Umuulan na naman, bumubuhos ang malakas na ulan
Tila wala ng kapaguran
Basang-basa, naglalamig at nangangatal
Napapagod, nanghihina
Sa walang humpay na ulan

Tumingala ka sa langit
At ito ang iyong nasambit
"Ama, titigil pa ba?
Ako pagod na, wala ng lakas at nais ko ng bumigay
Parang hindi ko na yata kaya"

"Huwag kang bumitiw anak
Dahil iyang mga buhos nag ulan ay siyang magpapatatag sa iyong kalooban
Bawat patak ng ulan ay bilang ko, alam ko kung kailan siya dapat patigilin
Hindi ko ibibigay ang ulan na iyan, kung hindi mo kayang saluhin"

"Biyaya? Pero ako ay nahihirapan
At patak ng luha ko ay hindi ko kayang pigilan"

"Ang mga luhang iyan ay siyang nagpapatatag sa iyong katauhan
Matututo kang lumaban at humarap sa mga poblema ay pagsubok sa buhay
Kung walang pagsubok, ikaw ba at tatag?
Kung wala ang ulan, matututo ka bang sumilong, at itigil ang ginagawa mo
Minsan, tinatawag kita sa pamamagitan ng ulan
Para ikaw naman ay tumingala sa akin"
Ulan ng buhay...parte iyan ng ating buhay.............

Keep shining everyone.

WANT MORE UPVOTES?
Join the @gratefulvibes family curation trail
Info at this link: GV Family Trail

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
VOTE @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife

Sort:  

beautiful photos sis , kapit lang titila din ang ulan at si haring araw ay masisilayan ❤️

Posted using Partiko Android

haha tyaga ko pa den d2 kahit walang tao
panalo tayo sis aalog alog hahaha

bwahahahah panalo tong komento mo sis :-D nagising ako ng tuluyan bwhahahaha :-D

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64222.08
ETH 3135.29
USDT 1.00
SBD 3.99