Pagkatapos Ng Ulan

in #pilipinas6 years ago

Pagkatapos ng ulan may bagong umagang naghihintay
Pagkatapos ng bagyo may bagong pag asang nakaabang
Nabasa ka man ng ulan at nadaanan ng ilang bagyo sa buhay
May liwanag na naghihintay, manalig at magpakatatag ka lang.

Hindi man perpekto ang iyong buhay, sino nga ba ang meron?
Kanya kanya lang tayo ng problema at pasan na krus
Ang iba ay mas mabigat at iba naman ay magaan
Hindi naman iyan sayo ibibigay kung hindi mo kayang pasanin.

Ang lahat ay may katapusan, kaya huwag mong sukuan
Mahirap man at minsan kaya mo ng bimigay
Ituloy mo lang iyan, magbubunga din ang iyong mga pinaghirapan
Ituon mo lang ang iyong puso at isipan sa mga biyaya na iyong nakakamtan
At hindi sa mga bagay na wala sa'yong buhay.

Keep shining everyone.

Gratefuvibes Discord Channel https://discord.gg/ckGqMG


Yours truly,
The village girl @sunnylife

Sort:  

Amen mam, lahat ay may katapusan. tuloy lang ang laban.

Beautiful pictures dear friend.
Have a lovely day.
God Bless!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63811.50
ETH 2617.28
USDT 1.00
SBD 2.77